Ara Mina confirms relationship problems with Mayor Patrick Meneses

Pagkatapos ng isang araw na pananahimik, kinumpirma ng aktres na si Ara Mina na may pinagdadaanang pagsubok ang relasyon nila ni Mayor Patrick Meneses. Ngunit ayon kay Ara, normal lamang daw ito sa mga couple na katulad nila.


Kinumpirma ni Ara Mina na may pinagdadaanang pagsubok ngayon ang relasyon nila ni Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Kahapon, Lunes, April 6, mabilis na kumalat ang balitang hiwalay na raw sina Ara at Mayor Patrick.

Pero nanatiling tikom ang magkabilang kampo tungkol sa isyu sa kabila ng pagpapadala ng mensahe ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanila.

Read: Ara Mina and Mayor Patrick Meneses split?

Huling namataang magkasama sina Ara at Mayor Patrick sa binyag ng kanilang anak na si Amanda Gabrielle noong March 17, 2015.

Read: Ara Mina and Mayor Patrick Meneses's daughter Amanda Gabrielle gets baptized

View: Ara Mina and Mayor Patrick Meneses's baby Amanda Gabrielle baptism


“ISANG PAGSUBOK…” Binasag na ni Ara ang kanyang katahimikan tungkol sa isyung ito, sa pamamagitan ng statement na ipinadala ng publicist niyang si Leo Bukas sa PEP ngayong Martes hapon, April 7.

Dito ay inamin niyang may pinagdadaanan nga sila ngayon ng ama ng kanyang anak.

Ngunit nananalig si Ara na malalampasan nila ang pagsubok na ito.

Narito ang buong pahayag ni Ara:

“Para sa mga kaibigan at tagasuporta namin ni Pat, maraming salamat sa inyong concern.

"Ang aming pinagdadaanan sa ngayon ay bagay na hindi lamang sa amin nangyayari as a couple.

“Ito ay isang pagsubok na nararanasan ng mga taong nagmamahal at nasa isang relasyon.

“Kung anuman itong pagsubok na aming hinaharap sa ngayon, naniniwala akong malalampasan namin ito.

“Hinihiling ko po ang inyong malalim na pang-unawa at mataimtim na dasal alang-alang sa aming anak.

“Maraming salamat po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN