MMFF strongly denies ticket swapping issue

Part of the Metro Manila Film Festival's statement: “The Metro Manila Film Festival, after looking into the ticket swapping issue, strongly denies the existence of such and is enjoining all the stakeholders of the Festival to be responsible in expressing their sentiments especially on Social Media."


Pinabulaanan ng pamunuan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang alegasyon ng ilang moviegoers na may naganap na ticket swapping sa ilang kalahok na pelikula sa taunang filmfest.

Matatandaang sa unang araw ng MMFF kahapon, December 25, ilang netizens ang nagreklamo sa Twitter ng diumano’y anomalya na naranasan nila sa pagbili ng tickets sa ilang SM Cinemas.

Anila, ang binili nilang tickets ay para sa My Bebe Love #KiligPaMore ngunit ang ibinigay raw na tickets sa kanila ay para sa Beauty and the Bestie.

Ang My Bebe Love ay tinatampukan nina Vic Sotto, Ai-Ai delas Alas, at ang AlDub love team nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ang Beauty and the Bestie naman ay pinagbibidahan nina Vice Ganda, Coco Martin, at ang JaDine love team nina James Reid at Nadine Lustre.

Read: MMFF 2015 moviegoers claim ticket swapping in cinemas

Sa official Facebook page ng Metro Manila Film Festival ngayong araw, December 26, naglabas sila ng pahayag upang pabulaanan ang nasabing isyu.

Narito ang buong pahayag ng pamunuan ng MMFF:

“The Metro Manila Film Festival, after looking into the ticket swapping issue, strongly denies the existence of such and is enjoining all the stakeholders of the Festival to be responsible in expressing their sentiments especially on Social Media.

“The objective of the MMFF is to promote the local film industry and this baseless issue will only sideline the true intent and purpose of the Festival. Let’s continue supporting all the entries of the MMFF 2015.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN