MMFF stands by decision to disqualify Honor Thy Father from Best Picture race

Naglabas na ng pahayag ang Metro Manila Film Festival (MMFF) Executive Committee tungkol sa desisyon nilang idiskwalipika ang pelikulang Honor Thy Father sa Best Picture category sa Gabi ng Parangal. Ayon sa kanilang statement, ito na ang pinakamakataong desisyong napag-usapan ng komite dahil sa nilabag na panuntunan ng Reality Entertainment sa filmfest.


Nilinaw ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Executive Committee ang kanilang naging desisyon sa pagdiskwalipika sa pelikulang Honor Thy Father sa kategoryang Best Picture sa Gabi ng Parangal ngayong Linggo, December 27.

Ayon sa MMFF ExCom, pinakapatas na parusa lang ang kanilang ipinataw sa Honor Thy Father, na ayon sa kanila ay dapat sumunod sa mga karampatang panuntunan ng filmfest.

Kahapon, December 26, pangalawang araw ng taunang filmfest at isang araw bago ang Gabi ng Parangal, nakatanggap ang Reality Entertainment ng sulat na pirmado ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Emerson Carlos na nagpapaalam sa kanilang disqualified ang kanilang entry sa pinakamataas na kategorya sa Gabi ng Parangal—ang Best Picture.

Ang dahilan, hindi raw kasi nagbigay-abiso sa MMFF ExCom na naging opening film pala ang Honor Thy Father sa ginanap na Cinema One Originals Festival last November 8.

Read: Honor Thy Father disqualified from MMFF Best Picture race

Kinagabihan, nagbigay rin ng kanilang pahayag ang Reality Entertainment sa pamamagitan ng film producer na si Dondon Monteverde.

Aniya, naging maagap sila sa pagsunod sa lahat ng alituntunin ng MMFF.

Oktubre lang nitong taon sila napasama sa MMFF nang umatras ang Hermano Puli at nakalinya na raw sa kanilang kalendaryo ang pagpapalabas ng Honor Thy Father sa Cinema One Originals Festival.

Mali rin daw ang timing ng paglabas ng desisyon ng MMFF ExCom isang araw bago pa man ang Gabi ng Parangal. Nanawagan sila ng imbestigasyon sa pangyayari.

Read: Honor Thy Father producer cries foul over disqualification of their film for MMFF Best Picture

IMPOSING THE LIGHTEST SANCTION. Ayon sa statement ng MMFF ExCom, noong December 22, hindi sinabi ng Reality Entertainment sa kanilang sulat sa MMFF na isasali pala nila ang Honor Thy Father sa Cinema One Originals.

Noong November 6 daw nila natanggap ang sulat mula sa producers ng pelikula na opening film ito sa Cinema One Originals Festival, dalawang araw bago ito mangyari noong November 8.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos daw ang masusing pag-aaral at deliberasyon, napagdesisyunan nilang huwag na lang isali sa Best Picture race ang Honor Thy Father.

Naging makatao pa raw ang ExCom sa desisyon nilang ito dahil hindi nila tinanggal sa lahat ng kategorya o kaya ay idiskwalipika na sa buong filmfest ang pelikula.

Narito ang kabuuang pahayag ng MMFF ExCom na inilabas sa kanilang official Facebook account ngayong gabi, December 27:

“This is to clarify the misconceptions relating to the disqualification of Honor Thy Father (HTF) of Reality Entertainment Productions from the MMFF Best Picture Category of the MMFF 2015.

“Following the pullout of the 8th entry Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli from the Festival, MMFF wrote to the producers of HTF dated October 21, 2015 informing them that they were the next-in-rank film for the Festival and requesting for a Producer’s Certification.

“On October 22, 2015, the producer of the Film wrote the Executive Committee of MMFF that it has complied with all existing MMFF rules and regulations without mentioning its participation in another film festival. Having certified its compliance to all MMFF rules, it was officially included as an entry in the Film Festival on October 23, 2015.

“Unknown to MMFF, HTF was slated to have an exhibition and was actually shown at the Cinema One Film Festival held on November 8, 2015. This was only officially revealed to the MMFF through their letter dated November 5, 2015, received on November 6, 2015, only two days before the showing, not giving the MMFF enough time to deliberate on the matter.

“After a thorough, lengthy, and careful deliberation, the MMFF decided to impose the lightest sanction of disqualifying HTF from the selection as festival awardee for only the Best Picture category. MMFF could have imposed stiffer sanctions to the film, such as disqualification from all the awards or total disqualification from the Festival altogether.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lest it be forgotten, being included in the MMFF also comes with responsibilities. An official entry is expected to uphold and observe the Rules of the Festival.”

METRO MANILA FILM FESTIVAL EXECUTIVE COMMITTEE STATEMENTThis is to clarify the misconceptions relating to the...

Posted by Metro Manila Film Festival (MMFF) Official on Sunday, December 27, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN