Honor Thy Father seeks Congressional probe into MMFF disqualification issue

Nakatakdang maghain ng resolution si Laguna Rep. Dan Fernandez sa Kongreso bukas, December 28, upang imbestigahan ang naging desisyon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ExCom na idiskwalipika ang Honor Thy Father sa Best Picture category sa taunang Gabi ng Parangal ng MMFF.


Mas lalong lumalalim ang kontrobersiyang dulot ng pagkadiskwalipika ng Honor Thy Father sa Best Picture category ng taunang Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Pagkatapos maghayag ng kani-kanilang statements ang MMFF ExCom at Reality Entertainment, ang producer ng Honor Thy Father, mukhang aabot na sa Kongreso (House of Representatives) ang usapin.

Nakatakda kasing magpasa ng resolusyon ang mga nasa likod ng Honor Thy Father, kasama si Congressman Dan Fernandez ng Laguna, upang imbestigahan ng lower house ng kongreso ang nasabing isyu.

Ngayong Lunes ng umaga, December 28, inaasahang ihain ni Cong. Fernandez ang kanyang resolution sa Batasang Pambansa.

Bahagi ng cast ng Honor Thy Father ang mambabatas mula sa First District ng Laguna.

Ayon sa impormasyong nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kaduda-duda raw kasi ang naging aksiyon ng MMFF sa pagpataw ng masaklap na parusa sa pelikula.

Matatandaang nitong nakaraang Sabado, December 26, pangalawang araw ng filmfest run, ay nakatanggap ang Reality Entertainment ng sulat mula sa pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ang ahensiya ng gobyernong nangangasiwa ng taunang filmfest, na nagbibigay impormasyon sa kanilang hindi na sila kasali sa kategoryang Best Picture ang Honor Thy Father.

Read: Honor Thy Father disqualified from MMFF Best Picture race

Kinuwestiyon ito ni Dondon Monteverde, isa sa mga producers ng Honor Thy Fathe,  dahil lahat daw ng panuntunan ng filmfest ay kanila namang sinunod.

Humingi pa nga sila ng imbestigasyon ukol sa mga pangyayari.

Read: Honor Thy Father producer cries foul over disqualification of their film for MMFF Best Picture

Pero naninindigan ang MMFF ExCom na may nalabag na panuntunan ang Honor Thy Father kaya pinatawan nila ito ng makataong parusa.

Read: MMFF stands by decision to disqualify Honor Thy Father from Best Picture race

Sa ginanap na awards night kagabi, December 27, hindi nga nakasali ang pelikula sa mga nominado para sa Best Picture category, pero nakakuha naman ito ng limang parangal, kabilang na ang Best Director award para kay Erik Matti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi dumalo sa awards night si Direk Erik, ngunit nagpaabot ito ng maanghang na mensahe laban sa pamunuan ng MMFF.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN