Solenn Heussaff and Nico Bolzico tie the knot in Argentina

Kasal na sina Solenn Heussaff at ang Argentinian boyfriend nitong si Nico Bolzico. Sa Instagram post ng singer-actress ay tila nakasuot ito ng wedding gown. Sa Snapshot screen grab naman mula sa account ni Isabelle Daza ay makikitang kinasal ang dalawa sa isang civil rites.


Ikinasal na si Solenn Heussaff sa fiancé nitong si Nico Bolzico, kahapon, December 29, sa Argentina.

Wala pa talagang kumpirmasyon mula sa couple pero bumuhos sa Instagram ni Solenn ang mga mensahe ng pagbati mula sa kanyang mga followers pagkatapos nitong mag-post ng larawan kung saan tila isang wedding dress ang suot nito.

Kapansin-pansin ding lahat ng kanyang bestfriends na sina Anne Curtis, Isabelle Daza, at Georgina Wilson ay nasa Argentina.

Simple lang ang mga suot nina Anne at Isabelle sa naturang posts ni Solenn.

Loving Esperanza :) #Argentina #Esperanza

A photo posted by @solennheussaff on

Las chicas #Argentina #Esperanza

A photo posted by @solennheussaff on

????

A photo posted by Georgina Wilson (@ilovegeorgina) on

Road trip to Santa Fe #Argentina #LostWithSos

A photo posted by @solennheussaff on

First day in argentina!!!!! Road trip ?????????

A photo posted by Georgina Wilson (@ilovegeorgina) on

May lumabas din sa Internet na screenshots mula sa snapchat ni Isabelle na may nakalagay na "Mr. and Mrs. Bolzico."

Samantala, nag-post naman si Erwan Heussaff, kapatid ni Solenn at boyfriend ni Anne, ng larawan sa kanyang Instagram kung saan nagro-roast siya ng lamb, na paborito ng mga Argentinians.

Now we are in deep Argentina

A photo posted by Erwan Heussaff (@erwanheussaff) on

Nag-post din ng similar picture si Solenn.

Say what?? Esperanza #SantaFe #Argentina

A photo posted by @solennheussaff on

Sa mga naunang panayam sa singer-actress, sinabi niyang sa ibang bansa sila magpapakasal ng kanyang Argentine boyfriend na si Nico.

Ayaw din daw niya ng engrandeng kasalan kundi isang simpleng seremonyas lang.

Nitong nakaraang Oktbure, sa Marimar set visit ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), heto ang sinabi ng Kapuso star tungkol sa kanilang kasal magiging wedding ni Nico, “Gusto ko maliit na wedding lang, pero on the day ko na ipu-post.

“Parang album ni Beyonce, bigla na lang lalabas!”

Read: Solenn Heussaff still keeping the date of her wedding to Nico Bolzico under wraps

Congratulations and best wishes!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN