Starlet Avi Siwa accuses businessman Eric Allison of illegal recruitment

Muling nagkainitan ang magkaaway na si Avi Siwa at ang negosyanteng si Eric Allison dahil diumano sa pagpa-frame up ng una sa huli nitong nakaraang Disyembre. Nahuli si Eric ng mga pulis at naikulong sa Camp Crame ng ilang araw ngunit nakalaya rin matapos iatras ang mga kasong nakasampa laban sa kanya.


Umaga ng December 28, Lunes, nang parehong magpadala ng mensahe sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang FHM 2009 covergirl na si Avi Siwa at ang American businessman na si Eric Allison.

Si Avi ay inakusahan ni Eric ng panggagantso diumano ng gold bar.

Pero mariin itong itinanggi ng dating model-TV host. Hanggang sa umabot na sa korte ang kanilang sigalot.

Read: PEP EXCLUSIVE. Model-TV host Avi Siwa explains her side on alleged gold bar scam

Ayon sa natanggap naming mensahe mula kay Avi, ipinapaalam lang niyang nahuli ng mga awtoridad si Eric dahil sa mga kinakaharap daw nitong kasong rape, libel, at estafa.

Pahayag ni Avi sa email niya sa PEP: “US-American Eric Scott Allison, 44 years old, M&A Advisor and Recruiter, and CEO of Exigo Ventures Consultancy Inc., who was previously investigated by National Bureau of Investigation Bacolod for child molestation (rape of 17 year old girl), with a recent estafa case in Cebu and a pending libel case in Makati, was arrested by police yesterday at 3pm in Chelsea Restaurant, Serendra BGC, Philippines and currently sitting in jail.”

Kalakip ng email ang mga larawang kuha diumano nang damputin si Eric ng mga pulis at ang artikulo ng diumano'y reklamong panggagahasa ni Eric sa isang 17-anyos na babae sa Bacolod. 

Kasunod naman nito ang text message ni Eric sa writer na ito.

Nakasaad dito na nasa Camp Crame siya at pina-frame up daw siya ni Avi.

Inakusahan pa raw siya ni Avi ng pagiging illegal recruiter, na ayon sa kanya, “It’s not true.”

CHARGES DROPPED. Kinabukasan, December 29, muling nagpadala ng mensahe si Eric sa PEP.

Ayon sa text message niya: “Charges dropped!!! I told u I’m not guilty! Please help me expose Avi and her syndicate! Make the country a little bit better one bad guy at a time!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong araw, January 5, ipinaliwanag ni Eric kung paano siya nakalaya mula sa pagkakulong niya sa Camp Crame.

“DOJ [Department of Justice] is investigating the truth…No charges have even been filed…

“I was released without giving any bail... PNP [Philippine National Police] was not aware I had already filed case on Avi and trial was near…

“Fiscal understanding nobody would recruit someone for a job when they have a serious estafa case pending, plus Avi has HDO [Hold Departure Order] so she could never travel anyway.

“And why would Avi give me money as a recruiter when she knows me for years and I have case on her... Her claims are simply to get leverage as her trial is next month and she knows the outcome will not favor her...

“I’m well known of my business… Many well respected people can tell u I’m legit. I’m not a international recruiter, pure fabrication from Ms. Siwa.”

Humingi na ang PEP ng sagot mula kay Avi tungkol dito. Makikipagkita pa raw siya sa kanyang abugado at kaagad siyang magbibigay ng kasagutan sa amin.

Umingay muli ang pangalan ni Avi nang akusahan niya ang Kapamilya singer-actress na si Vina Morales na hinaharangan daw ang boyfriend nitong si Marc Lambert na madalaw ang kanilang kakasilang pa lang na sanggol noong Oktubre 2015.

Si Marc ang dating ka-live in ni Avi.

Read: PEP EXCLUSIVE. Avi Siwa accuses Vina Morales of preventing French ex-boyfriend from visiting their baby


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN