Aiza Seguerra says blame the system not the person in Cathy Garcia-Molina issue

Aiza Seguerra gives a sober opinion on the debate whether Cathy Garcia-Molina has wronged the lowly talents on the set of Forevermore, "Pressure nga kapag may mga taong mahirap maturuan, nakaka-frustrate.... at heto lang yun, nagmamadali sila... Don't get people na hindi man lang nabasa yung script, wala man lang experience talaga as actors 'tapos bibigyan niyo ng mga linya. I'm not talking particularly about her [Direk Cathy], it's about the situation."


Nagbigay ng opinyon si Aiza Seguerra sa reklamong verbal abuse ng isang nagngangalang Rossellyn Domingo laban sa direktor na si Cathy Garcia-Molina.

Read: Talents relate humiliation they suffered from director Cathy Garcia on Forevermore set

Ayon sa singer-actor, "Ang iku-comment ko is not about that certain director, but the practice, what we do.

"Nangyayari talaga yun, and I don't feel good about it.

"Ang hirap kasi, nag-i-stem out 'yan from the pressure 'tapos nga, hand-to-mouth parati [ang taping].

"And totoo naman, pressure nga kapag may mga taong mahirap maturuan, nakaka-frustrate.

"But it shouldn't justify na maliitin mo ang ibang tao, at heto lang yun, nagmamadali sila.

"Gusto ng production na mapabilis, kumuha kayo ng magagaling umarte, 'di ba?

"Don't get people na hindi man lang nabasa yung script, wala man lang experience talaga as actors 'tapos bibigyan niyo ng mga linya.

"Kung magmamadali kayo e yun lang ang sa akin."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiza sa presscon ng Born To Be A Star, ang bagong singing talent search ng TV5 at Viva Entertainment Inc., na ginanap sa Music Hall, sa Metrowalk, Ortigas City, nitong Lunes, January 4.

Si Aiza ay napili bilang isa sa resident judges sa nasabing show, kasama sina Pops Ferandez, Rico Blanco, at Andrew E.

FAULTY SYSTEM, NOT THE PERSON. Tanong ng PEP kay Aiza, totoo nga ba na kahit nga raw mga artista ay nakakaranas masigawan ng direktor?

Prangkang sagot niya, "Not as much as the talents, I honestly feel bad about that.

"Kumbaga, para sa akin, sa hierarchy? Mas kawawa pa ang mga talents compared sa mga crew, technical people.

"Para sa akin, ang talents ang mga kawawa, sila yung wala talagang area na makapagpahinga.

"Sila yung mga nanduduon nang umagang-umaga at uuwi nang late na late na."

Pasubali pa ni Aiza, "I'm not talking particularly about her [Direk Cathy], it's about the situation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I've worked with her once, sa TV, pero hindi ko naman na-experience yun [paninigaw at pagmumura] kaya nga I don't wanna talk about her.

"I wanna make it clear, I' m not talking about her, I'm talking about the system.

"Kasi nga, I wasn't there when that happened, so it would be unfair for me to speak about that."

Kuwento pa niya, "Ang nakakatawa kasi, before this blew up, sa shows namin, siyempre, may mga talents kaming kasama, 'di ba?

"And we feel bad kasi it goes both ways, e.

"Nakakainis, kasi tumatagal ang taping, ang dapat one take lang nagiging twenty takes kapag may kasama kang talents.

"That' s a fact, and at the same time, hindi rin namin gusto yung how they are being treated.

"Kasi may frustration na nga sa part ng production."

HELP FOR TALENTS. Kung meron mang gustong baguhin o i-suggest ang dating Kapamilya artist para mabago ang kalakarang ito, ano iyon?

Lahad ni Aiza, "Nag-uusap-usap kami, my wife [Liza DiƱo] and friends na mga artista.

"Sabi namin, we wanna do a seasonal thing, like a seasonal workshop na free para lang sa mga talents.

"Para lang they know how to stand correctly, they know how to move.

"At least, kapag nandito ang camera, they know how... kasi yun ang mga problema, e.

"Kung ang tatagal nang mga artista, nagkakamali pa, heto pang mga baguhan na hindi naman nila parati ginagawa?

"Siyempre, may jitters 'yan, e. Sisigawan mo pa sa harap ng mga tao. E, di lalo silang kinabahan, 'di ba?"

Patuloy pa niya, "Kaya nagpapatulong kami sa director friends namin na gumawa nito para mas maging structured ang lessons namin.

"Nag-uusap nga ako, my wife, si Ate Eula [Valdez], Tita Ces [Quesada], and then isang director from a network.

"Kahit two days lang na workshop, for every three months, para lang masanay sila at maging mas comfortable sila sa eksena."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN