Ai-Ai delas Alas refutes Star Cinema's No. 1 claim in the MMFF box-office race

Ai-Ai delas Alas gives out a strong statement against Star Cinema's claim that its film Beauty And the Bestie is currently leading the box-office race in the Metro Manila Film Festival and took over My Bebe Love for the top spot.


"Number one kami."

Ito ang diin ng Queen of Comedy na si Ai-Ai delas Alas patungkol sa pelikula nilang My Bebe Love: #Kiligpamore, na entry sa katatapos lamang na 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ito ay matapos ipahayag ng Star Cinema na nangunguna na ang Beauty and the Bestie sa MMFF box-office race at umabot na raw sa P400 million ang kinita ng pelikulang ito na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Coco Martin.

Pahayag ni Ai-Ai sa ulat ng GMA News online, "In our hearts, sa puso ng AlDub Nation, sa puso ng sambayanang Pilipino, No. 1 kami.

"Kasi lahat ng ginagawa namin, walang daya."

Nagsalita si Ai-Ai sa press conference para sa screening ng kanilang pelikula sa California at Texas, na ginanap sa Los Angeles noong January 4.

Tampok din sa My Bebe Love si Vic Sotto at ang AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Patuloy pa ni Ai-Ai, "Ayaw ni Lord ang nangdadaya. Karma is a bitch.

"Kahit yung No. 3, puwede din sabihin na No. 1 din sila, e.

"Kahit ano pa ang sabihin nila, ilalaban ko nang patayan, itataga ko sa bato, kami po ang No. 1."

Sa Instagram post ni Star Cinema AdProm Manager Mico del Rosario kamakalawa, nakasaad dito na nasungkit na ng Beauty and the Bestie ang unang puwesto at umabot na sa P400-million mark ang kinita nito sa pangalawang linggo ng MMFF.

Thank you!! #BeautyAndTheBestie

A photo posted by Mico Del Rosario (@micodelrosario1) on

Read: Beauty and the Bestie earns P400 million in the box-office

Samantala, naging malaman ang Instagram post ni Ai-Ai kamakalawa.

Taglay ng kanyang post ang dalawang quotes: "I'd rather be honest than impressive" at "Integrity is telling myself the truth. And honesty is telling the truth to other people."

Sa caption naman nito ay ang hashtags na #Lamkona at #HonestyIsTheBestPolicy.

Sa comment section naman, may mga netizen na nagsabing ang tinutukoy ni Ai-Ai rito ay ang claim ng Star Cinema at ni Vice Ganda na number one ang Beauty and the Bestie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga bumatikos naman kay Ai-Ai at tinawag siyang "walang utang na loob" dahil nanggaling siya dati sa ABS-CBN.

Nag-reply rin si Ai-Ai sa isang netizen na nagkomentong alam ng Kapuso comedienne ang totoo.

Sabi ni Ai-Ai: "Madami akong alam. At ang usapan dito hindi utang na loob or kung ano man. Lahat ng pangit na salita ay blocked at deleted. Dun tayo sa totoo. Wala silang alam sa alam ko. Truth hurts?"

Nitong January 2, muntik nang maabot ng My Bebe Love ang P300-million mark, ayon kay GMA Films President Annette Gozon-Abrogar.

Ang pelikula ay iprinodyus ng APT Entertainment, subsidiary ng Television And Production Exponents (TAPE) Philippines, Inc., na partner ng GMA Network sa noontime shows na Eat Bulaga! at Sunday Pinasaya.

Ang Star Cinema, katuwang ang Viva Films, ang nag-produce ng Beauty and the Bestie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN