Germano Moreno's only son recalls last moments of the Master Showman

Hindi napigilang mapahagulgol ni Federico Moreno nang mabasa niya ang mga reaksiyon ng netizens sa #RIPKuyaGerms. Overwhelmed na overwhelmed siya sa pagmamahal sa kanyang amang si Germano 'Kuya Germs' ng mga taong hindi nila kilala at hindi bahagi ng entertainment industry.


"Job well done. Job well done. We are so proud of you."

Ito ang mensahe ni Federico Moreno para sa kanyang yumaong ama, ang Master Showman na si German Moreno.

Sumakabilang buhay si Kuya Germs noong Biyernes ng madlaing-araw, January 8.

Read: Master Showman German "Kuya Germs" Moreno dies at 82

Ayon kay Federico, nag-iisang anak ni Kuya Germs, isang caring father ang kanyang ama at hindi lamang ito pillar ng movie industry kundi pillar din ng kanilang pamilya.

Ipinagtapat ni Federico na hindi nito napigilang mapahagulgol nang mabasa niya ang mga reaksiyon sa #RIPKuyaGerms.

Overwhelmed na overwhelmed siya sa pagmamahal sa kanyang ama ng mga taong hindi nila kilala at hindi bahagi ng entertainment industry.

Nagkuwento rin si Federico tungkol sa mga huling sandali ng tatay niya nang isugod ito sa St. Luke's Medical Center, sa Quezon City, noong Huwebes, January 7.

"John Nite [his cousin and Kuya Germs's co-host in Walang Tulugan With The Master Showman] is physician.

"Nalaman naman niya agad [ang kundisyon ni Kuya Germs], but not kaagad.

"Kasi the first time, he was parang having a hard time breathing then he had this one gasp na malalim.

"That??s the time he became pale on the way to the hospital.

"When I got to the hospital, nire-revive na si Papa.

"When he arrived sa hospital, he was already flatline.

"After a few minutes, he had another cardiac arrest. That was the second.

"When he got there, itinanong ng doktor kung ilang minutes pa siya biniyahe because there was no oxygen on his brain.

"A few hours before he died, we knew already.

"The doctor told us, 'You know, there's a few hours left for your Papa because nagkaroon na ng organ failure.'

"Nung sinabi sa akin ng doktor na if my dad surpasses 24 hours, he would be a vegetable. At ayaw ni Papa ng ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di ba, napaka-whiner ni Papa, konting sakit, nagrereklamo?

"And he doesn't want that. Nobody would want that for a father."

Patuloy ni Federico, "My dad maybe a pillar in the showbiz industry, but he's also the pillar of the family.

"He's the center, for that matter, because when he's there, everyone's there. He attracts everybody.

"He's such a caring dad.

"He's not just a good man. He's a great man."

Hinihintay ang pagdating ngayon ng mga kamag-anak ni Kuya Germs mula sa Amerika.

Pag-uusapan nila kung kailan ihahatid sa huling hantungan ang veteran TV host, na malaki ang naging kontribusyon sa local entertainment industry.

Pero kinumpirma ng isang pamangkin ni Kuya Germs na siguradong sa Loyola Memorial Park, sa Marikina City, ito ililibing dahil dito nakahimlay ang kanyang mga kapatid.

Tiniyak naman ng isang GMA Network Inc. insider na ibuburol ng isang gabi ang mga labi ni Kuya Germs sa Studio 6 ng Kapuso Network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN