Star Cinema rep hits back at Ai-Ai delas Alas over MMFF box-office issue

What movie is the real number one in the recently-concluded MMFF 2015: Beauty and the Bestie or My Bebe Love?


Tapos na ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015, ngunit hindi pa rin natatapos ang mga isyu kaugnay nito.

Kabilang na rito ang patuloy pa ring umiinit na usapin kung anong pelikula talaga ang nanguna sa takilya.

Mula kasi nang magsimula hanggang sa matapos ang taunang filmfest ay hindi naglabas ng official ranking at kung magkano na ang kinita ng walong pelikulang kalahok.

Kung maglabas man ang Metropolitan Manila Development Authroity (MMDA), ang siyang namamahala sa MMFF, ay madalas na "in no particular order" ang inilalabas nilang ranking.

Kaugnay nito ay kanya-kanyang claim ang may kinalaman sa film entries na sila ang nangunguna o No. 1.

Sa Instagram posts ng Star Cinema ay idineklara nilang ang Beauty and the Bestie nina Vice Ganda at Coco Martin ang No. 1 at umabot na raw sa P400 million ang kinita ng pelikula.

Thank you!! #BeautyAndTheBestie

A photo posted by Mico Del Rosario (@micodelrosario1) on

Ngunit sa isang panayam sa GMA News ay kinontra ito ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas.

Si Ai-Ai ay isa sa mga bida ng MMFF entry na My Bebe Love #KiligPaMore, kasama si Vic Sotto at ang AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Pahayag ni Ai-Ai, "In our hearts, sa puso ng AlDub Nation, sa puso ng sambayanang Pilipino, No. 1 kami. Kasi lahat ng ginagawa namin, walang daya."

Dagdag pa niya, "Ayaw ni Lord ang nangdadaya. Karma is a bitch.

"Kahit yung No. 3, puwede din sabihin na No. 1 din sila, e.

"Kahit ano pa ang sabihin nila, ilalaban ko nang patayan, itataga ko sa bato, kami po ang No. 1."

Read: Ai-Ai delas Alas refutes Star Cinema's No. 1 claim in the MMFF box-office race

STAR CINEMA ANSWERS BACK. Hindi naman nakaligtas sa mga taga-Star Cinema ang tila pagpaparinig na ito ni Ai-Ai.

Sa Twitter account ng AdProm manager ng Star Cinema na si Mico del Rosario kahapon, January 9, ay naghayag siya ng saloobin tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi man siya nagbanggit ng anumang pangalan, walang duda na ang Twitter posts ni Mico ay sagot sa naging pahayag ni Ai-Ai.

Narito ang sunud-sunod na posts ni Mico (@micodelrosario):

"Tigilan na 'yang pagiging bitter.

"E, di sabihin sa MMFF to release the rankings. Plain and simple.

"Tigilan ang speculations ng dayaan. Lakas maka-bobo ng approach.

"At the end of the day, just create content that the audience need. Tapos.

"Ang sad na napunta na sa bitching ang labanan. Labo.

"Tigilan ang pagbibintang sa Star Cinema.

"Taun-taon kasali kami sa MMFF, ngayon daming binabato sa kumpanya.

"Ano nga bang nag-iba this year? Sa Star ba may nag-iba?"

Diin pa niya, "STAR CINEMA'S VALUES ARE INTACT.

"Honesty and integrity are on top of the list.

"And lahat ng nasa kumpanya, at lahat ng galing sa kumpanya, alam 'yan.

"And yes, KARMA's a bitch.

"Never nag-promote or nag-market ang kumpanya namin na kinailangang manira ng kalaban.

"Naniniwala kami na produkto mo ang magsasalita para sa 'yo.

"Alam 'yan ng lahat ng taga-rito or GALING dito.

"Never kaming may sinabi about competition because we always believe that competition also has something to offer to the market."

Pahayag pa ni Mico, "I challenge the MMFF committee to release ranking with gross.

"Tapos dun magsalita. Kapag may basis.

"Wag kasing emotional kapag nagsasalita, paganahin din ang utak."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN