Solenn Heussaff: No wedding, just celebration of union

Ikinagulat ng maraming miyembro ng media ang rebelasyon ni Solenn Heussaff na hindi pa siya kasal sa ka-live in niyang si Nico Bolzico. Celebration of union lang daw ang naganap sa Argentina.


Naging excited ang press kanina sa iba pang detalyeng ibibigay ni Solenn Heussaff tungkol sa napabalitang pagpapakasal nito sa fiancé na si Nico Bolzico.

December 30, 2015, dalawang araw bago ang bagong taon, naging headline sa broadsheets at tabloids pati na sa mga online sites ang pagpapakasal niya sa kay Nico sa isang simpleng wedding ceremony sa Argentina.

Read: Solenn Heussaff and Nico Bolzico tie the knot in Argentina

Pero hindi raw kasalan ang nangyari kundi celebration of their union.

Ito ang sabi ni Solenn nang sinimulan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagtatanong tungkol sa kanyang kasal.

Dugtong niya, "Ayokong i-share. Sa end of the year na lang.

"Hindi pa nangyari e anything. Parang we just celebrated in Argentina kasi hindi ko nakita yung mga parents ni Nico in two years.

"So ayun, since the engagement wala pang anything. Celebration lang.

"I haven't done any church, wala akong wedding dress.

"It was parang the Argentinian celebration lang?"

Pero magpapakasal daw talaga sila sa ibang bansa sa huling bahagi ng taong ito.

Aniya, "Ikakasal ako sa France in the future, hindi right now."

Kung matutuloy na raw ang kasal, pangako ni Solenn na ang GMA Network, ang kanyang istasyon, ang magkakaroon ng kauna-unahang detalye, mga video at larawan ng kasalan.

Nakausap ng PEP at iba pang entertainment press si Solenn sa grand presscon ng bago nitong pelikula na Lakbay2love, hapon ngayong araw ng Miyerkules, January 13, sa Max's Restaurant, Scout Tuazon, Quezon City.

THE INSTAGRAM AND SNAPCHAT POSTS. Medyo nagulat ang writer na ito sa mga pahayag niya since almost two weeks simula noong ibinalita ang tungkol sa kanyang supposed wedding.

Sa mga posts din ng mga kaibigan niya sa social media, tila isang kasalan nga ang naganap.

Sa Snapchat ni Isabelle Daza, isang larawan dun ang may caption na "Mr. and Mrs. Bolzico."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang sagot ni Solenn, "Loka-loka kasi 'yan si Isabelle, e."

Ano ang reaksiyon ni Nico sa naglabasang balita na kasal na sila?

Sagot nito, "Tumawa lang siya, he was just laughing kasi yung nanay din niya, she laughs yung picture niya nasa isang papel, diyaryo dito. Manila Bulletin 'ata, nakalimutan ko na. Funny lang."

BARKADA VACATION. Kaya daw inakala ng iba na ito na ang kanyang kasal dahil lahat ng kanyang mga matalik na kaibigan ay pumunta sa Argentina, ang bansang kinalakihan ni Nico.

Paliwanag pa niya, "Kasi lahat ng mga kaibigan ko pumunta dun. Pero it was just, walang invite-invite.

"Kasi ako every year nasa Argentina ako every December 'tapos sinabi ko sa brother [Erwan] ko, 'Sige punta ka this year para we can go hiking,' ganun.

"'Tapos bigla sabi ni George [Georgina Wilson], 'Sige, punta din ako.'

"'Tapos si Belle ulit, so parang naging barkada vacation."

Tanong pa namin: bakit ala man lang nag-react kaagad sa mga balita?

Nakangiti pa ring sagot niya, "Okay lang, madadaya, in two weeks."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN