Jiro Manio ready to leave rehab, says Ai-Ai delas Alas

Ai-Ai delas Alas posts on Instagram that her "anak" Jiro Manio has gotten better and is ready to leave rehab.


Malapit nang lumabas sa rehab ang dating child actor na si Jiro Manio, ayon mismo kay Ai-Ai delas Alas.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ngayong hapon ng Huwebes, January 14, nag-post ang Comedy Queen tungkol sa pagbuti ng kalagayan ni Jiro.

Kasama nito ang screen grab ng palitan nila ng text messages kung saan mababasang pinakiusapan ni Ai-Ai ang kanyang "anak" na mangakong ituloy-tuloy na ang kanyang paggaling.

Ang sagot ni Jiro, tuluyan na siyang nagbago, kung kaya't nasabi ng doctor nito na pwede na siyang lumabas kahit ano'ng oras.

Sabi pa ng dating child actor, hihintayin niyang sunduin siya ni Ai-Ai at excited na siyang lumabas ng rehab.

Matatandaang nakitang palaboy-laboy si Jiro sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong June 3o, at tila wala sa sarili.

Isa sa mga sumaklolo kay Jiro ay si Ai-Ai delas Alas na nakasama ng young actor noon sa ilang pelikula.

Read: (UPDATED) Former child actor Jiro Manio found wandering at NAIA Terminal 3


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN