John Lapus hopes Ai-Ai Delas Alas and Direk Wenn Deramas will soon patch things up

John "Sweet" Lapus thinks the tampuhan between his friends Direk Wenn Deramas and Ai-Ai delas Alas won't last long.


Umaasa si John "Sweet" Lapus na kung meron mang tampuhan ang kanyang dalawang kaibigan na sina Ai-Ai delas Alas at Direk Wenn Deramas ay magkakaayos na sila.

Ani Sweet sa presscon ng upcoming TV5 fantasy-comedy series na Tasya Fantasya, "Star Cinema na pinagtatrabahuan ko for the longest time, for more than 20 years, and dun siya [Ai-Ai] galing.

"Sana maayos. Sana magkaroon ng communication."

Ginanap ang presscon para sa seryengpagbibidahan nina Shy Carlos at Mark Neumann kaninang tanghali, January 14, sa Music Hall Bar, Metro Walk, Pasig City.

Sabi pa ni John, inasahan na niya ang pagkakaroon ng tensiyon sa pagitan nina Ai-Ai at Direk Wenn lalo pa't parehong MMFF entry ang mga pelikula nila.

"Well, I saw it coming, the moment na nabasa ko yung interview ni Ai-Ai na sinasabi nga niya na yung statement niya na sila ang number one, na 'walang daya,' 'ipagpapatayan' ni Ai-Ai during her presscon sa [United] States."

Nagkaroon ng presscon si Ai-Ai sa Los Angeles, California, noong unang linggo ng January para i-promote doon ang U.S. screening ng My Bebe Love:#KiligPaMore.

READ Ai-Ai delas Alas refutes Star Cinema's No. 1 claim in the MMFF box-office race

Dito sinabi ni Ai-Ai na naniniwala siyang number one sila sa takilya, taliwas sa announcement ng Star Cinema na ang pelikula nina Vice Ganda at Coco Martinang nangunguna sa box office.

Bukod pa rito, nag-post ang Comedy Queen sa kanyang Instagram tungkol sa "honesty" at "integrity," na ang dating sa Beauty and the Bestie director ay "sinasabi niyang nandaya kami."

Bilang reaksiyon, sinabi ng direktor, na nasa likod ng Tanging Ina film series na pinagbidahan ni Ai-Ai, na nasaktan siya sa mga binitawang salita ng komedyana.

Read: FIRST READ ON PEP. Wenn Deramas hurt by Ai-Ai Delas Alas's insinuations

KISS AND MAKE UP. Kampante naman si Sweet na hindi raw magtatagal ang tampuhan nina Ai-Ai at Direk Wenn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi naman ni Direk Wenn, hopefully naman maayos, kasi ayaw din naman niyang masayang yung years of friendship nila ni Ai-Ai.

"Feeling ko pag nagtawagan 'yan, nagkita, nagsalubong, maaayos din naman."

Pagpapatuloy pa niya, "Both Ai-Ai and Direk Wenn are matured individuals.

"I love the two of them very much and nakita ko naman kung gaano sila ka-close at kung gaano katibay ang kanilang friendship.

"Nakita ko ang pinagdaanan ng friendship na 'yan, ang simula, and I'm sure maaayos din nila ito."

CALL TO MMDA. Sabi pa ng komedyante, nauunawaan niya ang pinanggagalingan ng parehong kampo.

"I could not blame Ai-Ai or any cast or producers of My Bebe Love to say that they are number one, kasi festival 'to, e.

"This is a competition, so at the end of the day, lahat tayo gusto mag-number one.

"So di mo sila masisisi kung sabihin nila, sila ang number one.

"Pero alam ko rin for a fact, kasi kaibigan ko rin naman ang mga taga-Star Cinema, hindi naman magsisinungaling ang mga 'yan kasi madali namang makita [ang figures].

"Alam ko rin, sila rin ang number one because of the sales. Kita mo na yung resulta."

Hindi lang niya maintindihan kung bakit hindi inilalabas ng MMDA o Metro Manila Development Authority, na namamahala sa MMFF, ang figures na kinita ng bawat pelikula.

"Isa ako sa mga nagtataka na ang mga taga-MMDA, hindi pino-post yung actual [figures].

"In the past years, nilalagay naman nila yung total ng bawat pelikula."

Punto pa ni Sweet, "Honestly, kung ginawa yun ng MMDA, baka hindi na nagsalita si Ai-Ai."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN