FIRST READ ON PEP. Wenn Deramas hurt by Ai-Ai Delas Alas's insinuations

Aminado si Direk Wenn Deramas na nasaktan siya sa mga patutsada ni Ai-Ai delas Alas tungkol sa umano'y naganap na pandaraya nitong nakaraang Metro Manila Film Festival. Pero, pinanindigan nitong number one talaga ang pelikula nilang Beauty and the Bestie laban sa My Bebe Love.


Taas-noong sinabi ni Direk Wenn Deramas na nangunguna talaga ang pelikula niyang Beauty and the Bestie sa box office.

Aniya, as of 7 P.M. daw kagabi, Martes, January 12, nasa P481 million na ang kinita ng pelikulang pinagbibidahan nina Vice Ganda at Coco Martin na kasali sa nakaraang 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).

"Na-surpass na namin yung Praybeyt Benjamin last year which is P456 M, at na-surpass na rin namin yung A Second Chance na P480 M, sa local.

"Kasi iba pa yung international, e, hindi pa namin binibilang pa yun," sabi ng box-office director.

So, sino ang number one? Sila o ang My Bebe Love nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas?

"Kami," diretsong sagot ni Direk Wenn.

Pero hindi raw niya masabi kung magkano ang kinita ng kalabang pelikula.

"Hindi ko alam yung kanila, ang sigurado ako yung sa amin. Mga taga-MMFF na yung nagsasabi."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at isa pang radio reporter si Direk Wenn kagabi, January 12, habang papalabas na ito ng chapel kung saan nakaburol ang mga labi ni German "Kuya Germs" Moreno sa Mt. Carmel Church, Quezon City.

TAINTED FRIENDSHIP? Lumaki ang isyu tungkol sa kung ano talaga ang number one sa takilya nitong nakaraang MMFF nang mag-post si Ai-Ai delas Alas sa kanyang Instagram tungkol sa pagiging honest.

May lumabas pa itong panayam na nagki-claim na sila ang number one at pinaninindigan daw niya ito.

Read: Ai-Ai delas Alas refutes Star Cinema's No. 1 claim in the MMFF box-office race

Sinagot naman ito ng AdProm manager ng Star Cinema na si Mico del Rosario sa Twitter, kung saan sinabi niyang sila ang number one.

Hinamon pa nito ang pamunuan ng MMFF na maglabas na ng total gross at overall ranking base sa kinita ng walong pelikula na kasali sa festival.

Read: Star Cinema rep hits back at Ai-Ai delas Alas over MMFF box-office issue

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong ng PEP kay Direk Wenn: Ano ang masasabi niya na tila magkakalamat ang pagkakaibigan nila ni Ai-Ai?

Pahayag niya, "Sana huwag. Sana huwag.

"Sana hindi umabot sa ganun kasi ano 'to, e, showbiz ito na, at the end of the day, kami-kami lang din ang magkikita, maliit lang din naman ito.

"The way na gusto ni Kuya Germs, kasi si Kuya Germs, ayaw niya ng mga network wars, e.

"Kaya kahit sa mga promo ng mga pelikula namin, nandodoon siya. Uma-attend siya ng mga presscon.

"Sana huwag kasi kung gaano yung pinagsamahan namin nina Ai-Ai ay hindi ko alam kung anong mga sentiments niya against ABS-CBN and Star Cinema.

"Pero kami, sana kami hindi masira o madamay yung aming friendship."

PADDING? Maraming nang pelikulang pinagsamahan sina Direk Wenn at Ai-Ai. Kabilang na rito ang tatlong blockbuster Tanging Ina movies sa magkakasunod na MMFF.

May binanggit si Ai-Ai tungkol sa pandaraya.

In her exact words" "Kasi lahat ng ginagawa namin, walang daya."

May padding nga bang nagaganap noon?

Pagtanggi ni Direk Wenn, "Hindi, alam niya yun. Hindi mo kailangang paddingan ang talagang malaki na.

"So, sa amin, alam niya yun, alam niya yun. Taga-roon siya, e, taga-loob siya. Alam niya na hindi namin kailangang mandaya.

"Para saan? Yun ang tanong ko.

"Kung sakaling sabihin ko na kami ang number one at hindi naman talaga kami ang number one, sino ang niloloko namin, di ba?

"At saka para saan?"

ARE THEY STILL FRIENDS? Hindi pa raw sila nagkausap ng komedyana at matagal na rin daw na hindi sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap.

"Naku, maryosep! Nung namatay ata yung brother ko at nag-condolence lang siya, yun lang."

Okey pa ba ang pagkakaibigan nila?

Saad ni Direk Wenn, "Sa pagkakaalam ko kasi, wala talagang magiging isyu sa aming dalawa.

"Direktor ako, artista siya dun sa kabila. And let's face it, ang MMFF ay kumpetisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumpetisyon namin pare-pareho, kaya hindi dapat madamay ang friendship sa professional namin pagdating dito kasi matatapos yun.

"Sampung araw lang naman yung festival na 'yan, e."

Pero nasaktan ba siya sa mga patutsada ni Ai-Ai?

Pag-amin niya, "Siyempre, pelikula ko 'yang sinasabi niyang nandaya kami.

"Star Cinema na pinagtatrabahuan ko for the longest time, for more than 20 years, and dun siya galing.

"Ang tanong ko lang, saan galing lahat yun? Sa'n galing lahat nung mga sinasabi niya?"

Sa Instagram account ng komedyana, sinabi niyang madami siyang alam.

Hindi niya idinetalye kung ano ito pero malinaw na may kinalaman ito sa pelikula.

Sagot ni Direk Wenn dito, "Kaya nga, ibig bang sabihin nun, yung mga ginagawa niya ay may padding o nandadaya kami?

"Ang tanong ko, kung nandadaya, paano? Paano ka nakakadaya na kokontrolin mo ang lahat ng sinehan, e, ang SM and Ayala didiktahan mo?

"That powerful?

"Napaka-powerful pala namin sa Star Cinema, para sabihin mo na, 'Uy, ito ha ang ibibigay mong ticket.'

"'Tsaka ang tanong ko sa kanya, kapag ba siya ay bumibili ng panty at brief ang ibinibigay, hindi ba siya magrereklamo?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN