Jeric Gonzales involved in alleged video scandal

Pagkatapos kumalat sa Internet ang sinasabing video scandal ng aktor na si Joross Gamboa, isa pang aktor na may initials na JG ang nasasangkot ngayon sa diumano'y video scandal. Ito ay ang Kapuso actor na si Jeric Gonzales (nasa larawan).


Isa pang aktor na may initials na JG ang nasasangkot ngayon sa video scandal, dalawang araw matapos pagpistahan sa social media ang alleged masturbation video ni Joross Gamboa.

Read: Joross Gamboa's alleged video scandal goes viral

Ibinibintang sa Destiny Rose actor na si Jeric Gonzales ang video scandal na kumakalat at pinagpipistahan din ngayon sa Internet at social media.

Tulad ni Joross, wala pang denial ang 23-year old-actor na Ultimate Male Protégé winner ng Protégé: The Battle For The Big Artista Break, ang reality-based artista search ng GMA Network noong 2012.

Kung ikukumpara sa 8-minute alleged video scandal ni Joross, halos tatlong minuto ang haba ng video na iniuugnay kay Jeric dahil kamukhang-kamukha raw nito ang lalaking nagpapakita na may gamit na headset at pinapaligaya ang sarili.

Lantaran sa social media ang pagpapasa-pasahan sa mga video scandal ng mga showbiz personality at tahimik ang mga kinauukulan na walang ginagawang aksyon.

Ipinagbabawal sa batas ang pagkakalat at pagpapasa ng mga kopya ng video scandal.

Tatlo hanggang pitong taon na pagkakabilanggo at P100,000 hanggang kalahating milyong piso (P500,000) na multa ang mga parusa na ipapataw sa sinumang mapapatunayang lumabag sa Republic Act No.9995, ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN