Direk Cathy Garcia-Molina: "I am sorry to all who I offended."

Direk Cathy Garcia-Molina: "For all those people na nasaktan ko in the past, I apologize. I apologize talaga."


Binasag na ng direktor na si Cathy Garcia-Molina ang kanyang katahimikan at nagsalita na hinggil sa isyung pagmumura at diumano'y panghihiya niya sa isang ekstra sa 2014 ABS-CBN primetime teleseryeng Forevermore.

Naging viral sa social media ang open letter na ipinost ng isang talent na nagngangalang Rossellyn Domingo noong December 31, 2015, kung saan inilahad niya ang pagmura at panghihiya umano ni Direk Cathy sa boyfriend ng talent na si Alvin Campomanes sa taping ng Forevermore noong October 2014.

Si Direk Cathy ang direktor ng nasabing teleserye, samantalang ekstra rito si Rossellyn bilang si Celia.

Dahil hindi sumipot ang aktor na dapat ay gaganap bilang asawa niya, nahimok ang boyfriend ni Rossellyn na si Alvin, isang educator at historian, na mag-substitute dahil na rin sa pagkumbinsi ng talent coordinator na si John Leonardo.

Read: Talents relate humiliation they suffered from director Cathy Garcia on Forevermore set

Inilahad ni Direk Cathy ang kanyang panig sa panayam ni Boy Abunda sa web exclusive ng ABS-CBN Entertainment na ipinost sa YouTube nitong January 15, Biyernes.

Lahad ng box-office director, "I started opening my IG [Instagram]. Ang dami na palang messages towards me.

"Meron na rin sa Twitter. Sabi nila, 'Direk, trending ka.'

"Pagbukas ko, wow, galit na galit na sa akin ang mga tao.

"They were calling me names: bitch, satanas... marami. Lahat ng pangalan. Mal-edukada.

"Hanggang sa pati ang mga anak ko, nadadamay na. Sana daw murahin din daw sila paglaki.

"Hindi daw ako pinalaki nang mahusay ng mga magulang ko. Siguro mura daw minumunog ko every day.

"Hanggang pati umabot sa ang asawa ko raw kaya pala namatay...

"I started getting offended.

"Parang inisip ko talaga, pag nagmura ka pala, masama ka na agad na tao. Pag nagmura ka, masama ka nang anak.

"Hanggang sa yung huling-huli na nag-alala na ang pamilya ko because it sounded like a death threat already.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"About the riding-in-tandem, treinta mil lang daw ang katapat ng ulo ko, parang, 'Tingnan ko kung di ka tablan ng bala.'

"I thought [there's] the need to speak out."

"I ADMIT NAGMUMURA PO AKO." Hindi itinanggi ng box-office director na nagmumura siya.

"When I found the letter, he [Alvin] was right. I've really cursed, but not at him kung ilalagay ko sa konteksto.

"Hindi naman kasi nakalagay sa letter ilang beses siyang nagkamali. Hindi naman kasi nakalagay sa letter kung ilang beses, paulit-ulit kunan 'yon."

Hindi raw ipinaliwanag sa letter kung bakit napamura si Direk Cathy sa set.

Sa kuwento ni Direk Cathy, binigyan niya ng instructions si Campomanes sa kanyang eksena at pinalampas ng direktor ang dalawang beses nitong pagkakamali.

Nangyari ang pagmumura ni Direk Cathy sa ikatlong beses.

"Yung sumunod, nagsalita ako.

"To be exact, ang sinabi ko, 'Sino ba ang kausap mo? Ba't di ka tumingin? Tingnan mo, ang kulit mo naman, e, pakshet ka!'"

Sabi pa niya, "I admit nagkamali po ako. I admit nagmumura po ako.

"I never lied, I never lied to anyone.

"Kahit saang presscon, kahit saang interview, tinatanong, 'Direk, ikaw ba'y nagmumura?' 'Opo, I turn into a monster, I morph, with all good intentions, of course.

"Sana mapaganda yung show, mapaarte yung artista, makuha yung kailangan para mapaganda yung show.'

"Pero hindi ko ipinagtatanggol na tama ang ginawa kong pagmumura.

"Mali, mali ang magmura, pero sana ilagay natin sa konteksto."

Depensa pa ng direktor, "Hindi ko sinasabing itinatama natin ang pagmumura, pero dito sa atin, may ibang kahulugan ang pagmumura.

"Hindi na siya mura to degrade or to humiliate or to insult anyone.

"Bukambibig.

"And yet, hindi ko itinatama. Alam kong nagkamali ako. Kayang-kaya ko namang mag-apologize.

"Hindi pala niya alam ang lenggwahe ng industriyang ito.

"Kung sinabi lang niya, kung nalaman ko lang right away, I would have gone to him at sasabihin ko, 'Sorry, hindi ka pala sanay.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang expectation daw kasi ni Direk, "Dumating ka sa akin bilang aktor, i-e-expect ko magde-deliver ka sa akin bilang isang aktor.

"I'd regard him as the character, kung may napapagalitan man ako, kasi hindi nagagawa ng karakter yung kailangang i-deliver do'n sa eksena."

"I WOULD HAVE SAID SORRY." Bukas daw si Direk na makaharap at makausap ang magkasintahang sina Campomanes at Rossellyn.

"Gusto ko silang makausap, kasi nung January 1 na nalaman ko hanggang ngayon, naghihintay ako ng panahon kung kelan ko sila puwedeng makausap."

Nilinaw ng direktor na hindi maliit ang tingin niya sa ekstra.

"Of course not. Nagsimula ako sa simulang-simula.

"Dumating ako sa industriyang ito, walang kaalam-alam.

"It took these people, these good people to teach me, but I had my share of those cursing and humiliating words.

Naging emosyonal din si Direk Cathy sa nasabing interview.

Diin niya, hindi niya intensyong makasakit ng damdamin.

"Hindi ko alam na nasaktan ko siya.

"Had I known, I would have said sorry.

"It's not hard for me to say sorry and accept my mistake.

"Hindi ako perfect. Lagi kong sinasabi ni hindi nga ako matalino, alam ko 'yon.

"Nagkataon lang siguro na marunong lang akong mag-direk, and a director is not a god.

"If only he could understand the business, if only he could just get in and find out what's going on, and then he'd realize a director is not a god.

"But I have my responsibilities as a director. I have my commitment to the network to my boss, to Tita Malou [Santos, Star Cinema managing director] Tita Cory [Vidanes, ABS-CBN production head].

"Lagi sa bawat project, nakataya ang leeg ko.

"Minsan siguro, mahirap lang talaga sa pagtaya ng leeg na 'yon, nahihirapan kang hindi magalit at hindi magsalita nang masakit.

"At kung nagawa ko man, I am sorry to all who I offended."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pakiusap din ang direktor sa kanyang mga kritiko.

"Spare may family. Ako ang naka-offend kay Alvin at sa girlfriend niya, si Rossellyn.

"Ako ang mag-a-apologize.

"If I deserve criticisms, too, then let it just be me. Huwag ang mga anak ko, huwag ang magulang ko, huwag ang mga kapatid ko.

"Nung sinaktan ko siya o nasaktan ko man siya, ni wala akong ibang binanggit, ni wala sa pagkatao niya, dahil wala akong alam sa pagkatao niya.

[quote id="8"]

"Sana after po nito, matapos na 'yon.

"Sana maiwan ito sa aming dalawa na lang ni Alvin at kay Rossellyn.

"Sana makapag-usap kami, mag-a-apologize ako. If I need to, I will.

"I will own up to my mistake kasi nagkamali ako. Kasi nakapagmura ako sa mga hindi naman pala nakakaalam sa industriyang ito.

"But beyond that, wala na akong hihingin na sorry," madamdaming pahayag ni Direk Cathy.

Nang tanungin kung ano ang dasal niya ngayon matapos ng mga nangyari, sagot ng direktor, "Na huwag akong magalit.

"Nagdasal ako, sabi ko, 'Sana i-guide Niya ako, ni Lord, na sasabihini ko na huwag akong makasakit pa uli.'

"I prayed for wisdom na sana makita ko ang maganda sa gitna ng nangyaring ito.

"But if there's one thing I learned, I know better now who are my friends.

"And isa pang natutunan ko rito na nakakasakit ang pagmumura, na hindi lahat katulad namin na nakakaintindi ng industriyang ito.

"And for all those people na nasaktan ko in the past, I apologize. I apologize talaga.

"Maybe I was just careless in my use of words, and I would apologize to them kahit na personal kung nasaktan ko sila in the past."

Pinasalamatan din niya si Campomanes dahil sa nangyaring ito dahil may matutunan siya.

"If I may thank Alvin for doing this.

"Pero sana lang, may matutunan din siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana may matutunan kami pareho dito, pati ang kumpanya, pati ang mga katrabaho ko, lahat.

"I believe things happen for a reason and believe this also has its own and in time, makikita namin pareho.

"I just hope na wala nang madadagdagan pang masasaktang tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN