Ciara Sotto hints at third party in her tweets

Ciara Sotto agrees with the saying, "It takes a real man to realize that one woman is enough."


Sunud-sunod ang Twitter posts ni Ciara Sotto na nagpapahayag ng kasalukuyang pinagdaraanan niya sa kanyang personal na buhay.

Mapapansin ding may kinalaman sa pagtataksil o third party ang kanyang tweets.

Biyernes, January 15, nang mag-post si Ciara sa kanyang Instagram account ng pahayag hinggil sa pinagdadaanan niya.

Hindi man idinetalye ni Ciara kung ano ang dahilan, sinabi niyang umalis na siya sa bahay nila ng kanyang asawang si Jojo "Joe" Oconer at bumalik na siya sa bahay ng kanyang mga magulang na sina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa.

Humingi rin ng privacy si Ciara sa gitna ng kanyang pinagdadaanan ngayon.

Kaugnay nito, lumabas din sa mga balita na dumadaan ngayon sa pagsubok ang pagsasama nina Ciara at Joe dahil umano sa third party.

Read: Ciara Sotto admits separation from husband Joe Oconer

Lumutang naman ang pangalan ni Valeen Montenegro na siya umanong dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa.

Read: Valeen Montenegro accused of being third party in Ciara Sotto-Jojo Oconer separation

CIARA'S CRYPTIC POSTS. Naging malaman ang tweets ni Ciara ngayong Martes, January 19, na may kinalaman pa rin sa pagtataksil.

Ni-retweet ng aktres ang balita mula sa isang international website na Dailymail.co.uk tungkol sa pambubugbog ng isang misis sa kerida ng kanyang asawa bago ito itulak sa tulay.

Ang titulo ng nasabing artikulo: “Scorned wife beats up her husband’s alleged mistress before throwing her off a BRIDGE”

Sunud-sunod naman ang pagpapasalamat ni Ciara sa kanyang followers na nagbibigay ng suporta sa gitna ng pinagdadaanan niya.

Nag-reply rin si Ciara sa isang follower na nag-post ng quote na: “It takes a real man to realize that one woman is enough.”

Reply ng aktres dito: “I agree with the quote (smiley) thanks.”

Nitong weekend, may mga makahulugang post din si Ciara kagaya ng “Hell hath no fury like a woman scorned.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May clues din siya sa kanyang posts tungkol sa taong posibleng third party sa pagkasira ng pagsasama nila ni Joe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN