Claudine Barretto allows estranged husband Raymart Santiago to sleep over at her house

Claudine Barretto on improved relationship with estranged husband Raymart Santiago: "Minsan naiisip nga namin, parang baka kung kami siguro together, baka hindi ganun ang kinalabasan ng mga bata kung away lang kami nang away or whatever. Happy na ako sa ganito talaga."


Pagkatapos magsampa ng kaso laban sa isa’t isa at magpalitan ng maaanghang na salita, marami ang nagulat nang mabalitaang magkasundo na muli ngayon ang estranged couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Ayon pa nga kay Claudine ay pansamantala muna nilang isinantabi ang annulment case nila ni Raymart para sa kapakanan ng kanilang dalawang anak na sina Sabina at Santino.

Read: Claudine Barretto, Raymart Santiago postpone annulment case for the sake of their kids

Paano nga ba nangyari ang pagkakasundo nilang ito ni Raymart?

Pahayag ni Claudine, “Dasal… sobra-sobrang dasal.

“At saka through the years, nagma-mature na kami. 

“And yung love namin for our kids, yun ang namamagitan sa lahat.

“Sabi nga namin, we have no other choice, we’re stuck with each other until we get an annulment. 

“And kailangan namin talagang meron kayong relasyon, kasi may mga anak kami.

“Yun ang hindi maintindihan ng mga tao.

"Kasi, parang pag Pilipino, weird para sa kanila na yung ex, magkasama? Akala nagkabalikan.

“Yung mga ganun. Hindi ganun yun.”

Patuloy ng aktres, “Meron kaming dalawang buhay na pinalalaki. Dalawang batang pinalalaki. 

“Sabi nga namin, wala na kaming room to make any mistake, even the smallest mistake.

“Sobra nang bugbog yung mga anak namin.

“Kasi very crucial yung stage; si Sabina is eleven years old, pa-teenager na siya. Santino is eight.

“Alam mo yun, ini-enjoy talaga namin.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Claudine sa presscon ng upcoming teleserye niya sa TV5, ang Bakit Manipis Ang Ulap, noong Lunes, January 18.

RECONCILIATION. Hindi ba sila tinutukso ng kanilang mga anak na magkabalikan na lang sila?

Nakangiting tugon ni Claudine, “Ganun ang mga bata, talagang nagtutuksuhan. 

“Wala, tumatawa lang kami. Nagbibiro sila na, ‘Sleep here na lang.’”

May mga lambingan o tuksuhan din ba sila ni Raymart?

Sagot ng 36-year-old actress, “Oo. Marami kaming ganun. Halos araw-araw magkausap kami. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, it’s not only for the kids, e. I think it’s actually for ourselves also. 

“Kunwari pag ano, ‘O, pauwi na ako from taping.’

“Or tatawag ako na, ‘Grabe yung taping today, ang sakit ng ulo ko.'

“Tapos siya may sakit. So, nagda-diarrhea siya. 

"Kung kinakailangan mong pumunta sa ER, standby ka lang. So, the kids and I would go.

“Ang nangyari, pinapunta ko ang mga bata sa kanya to take care of him.”

Tiniyak na ni Claudine na hindi siya madi-develop uli kay Raymart sa sitwasyon nila ngayon.

Sabi niya, “Alam mo, happy ako, kasi sobra yung relationship namin ngayon, e. 

“Nag-usap kami ni Raymart… sobrang nakaka-proud yung mga anak namin, sobra talaga.

“They’re achievers, very respectful, marunong mag-po, opo, magalang sa mga tao, matatalino. 

“Ang suwerte-suwerte namin talaga. We’re very blessed with our kids. 

“Minsan naiisip nga namin, parang baka kung kami siguro together, baka hindi ganun ang kinalabasan ng mga bata kung away lang kami nang away or whatever.”

Sambit pa ni Claudine, “Happy na ako sa ganito talaga.”

SLEEPOVER. Pinayagan na rin daw ni Claudine na bumalik sa bahay nila si Raymart at mag-sleepover.

Pero paglilinaw niya, “Actually, may taping siya M-W-F. Ako naman T-Th-S. Magpapalitan kami. 

“On the days that I would be working nang dire-diretso, he can go sleep over in the house. 

“Kaya nga pinaayos namin yung room, so that kapag wala ako, puwede na siya doon. 

“He’s allowed to go in and out of the house.

“And wala rin, hindi rin namin sinusunod yung sa court na ang visitation is supervised for once a week.”

May usapan din daw sila ni Raymart sa posibilidad na magkaroon sila ng kanya-kanyang relasyon.

Sabi ni Claudine, “Sinabi ko lang na, ‘Kung meron kang girlfriend, sabihin mo lang, ha?’

“Tapos, sabi ko, ‘Bigyan mo muna ako ng heads up pag may girlfriend ka. Siguraduhin mong yun yun. Huwag kang magpapakilala sa mga anak ko, baka mamaya hindi naman kayo. Hirap yung ganun.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun din naman ako sa kanya.”

Puwede na ba siyang magmahal ulit?

Saad ng aktres, “Alam mo, napi-pressure ako e. Lahat sinasabing, ‘Mag-date ka.’

“Ayoko. Tama na yung ganito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN