Claudine Barretto reveals reason why she posted love letters from the late Rico Yan

Claudine Barretto on posting old love letters from Rico Yan: "Gusto ko lang naman na sana huwag makalimutan ng tao si Rico. And in a relationship, you cannot say that to your husband na, you know, 'I want to…' Alam mo yung, 'gusto kong buhayin yung legacy na iniwan ng ex ko.' Hindi naman puwedeng ganun yun. Ngayon, I'm more open."


Naging laman ng balita nitong mga nakaraang linggo ang pagpu-post ni Claudine Barretto sa Instagram ng ilang liham sa kanya ng yumao niyang kasintahan na si Rico Yan.

Read: Claudine Barretto posts handwritten love letter from the late Rico Yan on Instagram

Paliwanag ng aktres tungkol dito, “It was Tina, the sister of Rico. 

“And parang meron kaming pinagdadaanan nung mga panahon yun, parang wala lang.

“Parang medyo may sign na may nahanap si Tina na ganito, may nahanap ako sa wallet ko na picture at saka letter.

“So, ayun ang nangyari.”

Patuloy niya, “It’s because din naman, before, sinabi ko na gusto ko lang naman na sana huwag makalimutan ng tao si Rico. 

“And in a relationship, you cannot say that to your husband na, you know, 'I want to…'

“Alam mo yung, 'gusto kong buhayin yung legacy na iniwan ng ex ko.' Hindi naman puwedeng ganun yun.

“Ngayon, I’m more open.

“May freedom ako to do whatever it is that I wanna do it, it is about Rico na hindi ko nagawa dati.”

Pumanaw si Rico noong March 29, 2002 dahil sa acute hemorrhagic pancreatitis o bangungot habang nagbabakasyon sa Dos Palmas Resort sa Palawan.

Noong March 27, 2006 ay ikinasal si Claudine sa aktor na si Raymart Santiago; ngunit nagkahiwalay rin sila noong 2013.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN