Zanjoe Marudo confirms breakup with long-time girlfriend Bea Alonzo

Matapos ang ilang buwang espekulasyon, tinuldukan na ni Zanjoe Marudo ang haka-hakang hiwalay na nga sila ng kanyang girlfriend of four years na si Bea Alonzo. Walang dahilang ibinigay si Zanjoe o kailan nangyari ang kanilang breakup.


Sa wakas ay binasag na ni Zanjoe Marudo ang kanyang katahimikan tungkol sa matagal nang usap-usapang hiwalay na sila ni Bea Alonzo.

“Opo,” ang tanging tugon ng aktor nang matanong ni Boy Abunda kung hiwalay na nga ba sila ni Bea sa live interview niya sa Tonight With Boy Abunda ng ABS-CBN nitong Miyerkules, January 20.

Walang anumang ibinigay na dahilan si Zanjoe kung paano nagtapos ang apat na taon nilang relasyon ng Kapamilya actress.

Sa darating na Marso sana ang kanilang ika-limang anibersaryo bilang magkasintahan.

Bago pa magtapos ang taong 2015, umugong ang balitang hiwalay na ang dalawa ngunit nanatiling tikom ang bibig nila tungkol dito.

Pero nitong nakaraang linggo, may ilang sources ang nagsabing hiwalay na nga talaga ang isa sa itinuturing na ideal couples sa showbiz.

Read: Bea Alonzo-Zanjoe Marudo breakup confirmed by sources

COPING. Paano nilalabanan ni Zanjoe ang kalungkutan sa naputol na ugnayan nila ni Bea?

Napabuntung-hininga muna ang Tubig at Langis star bago ito sumagot.

Sabi niya, “Wala namang madaling way, so kailangan talagang pagdaanan.”

Sa Fast Talk segment ng show, naitanong ni Boy kay Zanjoe kung kailan siya huling umiyak.

Sagot ng aktor: “Kagabi.”

Hindi lang malinaw kung si Bea ang iniyakan niya o may ibang dahilan.

Kasabay rin ng paglutang ng hiwalayan nila ni Bea ay ang balitang may namumuong magandang pagtitinginan diumano sa pagitan ni Bea at ng perennial onscreen partner nitong si John Lloyd Cruz.

Sa huli, sabi ni Zanjoe, “Love is worth fighting for.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN