Bea Alonzo-Zanjoe Marudo breakup confirmed by sources

Kung noong mga nakaraang taon ay madalas magkasama sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo sa pagbabakasyon sa ibang bansa, nitong nakaraang holiday season ay kapansin-pansing magkahiwalay sila ng pinuntahan. Si Bea ay nagpunta ng Japan, habang si Zanjoe naman ay nagbakasyon sa London at Paris.


Break na ang Kapamilya stars na sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo.

Ito ang kinumpirma ng ilang sources at ibinalita ni Ogie Diaz sa kanyang radio program sa DZMM noong Sabado, January 16.

Matatandaang noong 2015 ay kapwa inamin nina Bea at Zanjoe na may problema sa kanilang relasyon ngunit sinusubukan nila itong ayusin.

Read: Bea Alonzo admits problem in her relationship with boyfriend Zanjoe Marudo

Read: Zanjoe Marudo breaks silence on relationship problem with Bea Alonzo

At mukhang naayos naman nila ito, base sa mga nakaraan nilang panayam.

Read: Bea Alonzo on relationship with Zanjoe Marudo: "We're still together."

Ngunit napansin ng maraming netizens nitong mga nakaraang linggo na matagal nang hindi nagpu-post sina Bea at Zanjoe sa Instagram ng mga larawang magkasama sila.

Nitong nakaraang holiday season, kapansin-pansin ding magkahiwalay ang pinuntahang lugar nina Bea at Zanjoe.

Si Bea ay nagpunta sa Japan, habang si Zanjoe naman ay nagtungo ng London at Paris.

perfect combo Mount Fuji + Fujifilm Camera ????????? #fujifilmXbea #japan2016 #btravels

A photo posted by bea alonzo (@beaalonzo) on

may tao...?????

A photo posted by @zanjoemarudo on

Dahil dito, muling umugong ang balitang nagkakalabuan ang relasyon ng dalawa, hanggang sa kumpirmahin na nga ng ilang sources na malalapit kina Bea at Zanjoe na hiwalay na nga sila.

Kaugnay ng balitang ito ay may isyung nag-uugnay kay Bea sa perennial onscreen partner niyang si John Lloyd Cruz.

Read: MJ Marfori clears name regarding John Lloyd Cruz-Bea Alonzo rumor: "Na-misquote ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN