Derek Ramsay on Angelica Panganiban-John Lloyd Cruz rumored split: "Hindi totoo 'yan."

Masaya si Derek Ramsay na maayos na muli ang ugnayan nila ng ex-girlfriend na si Angelica Panganiban. Katunayan, binati daw siya ng aktres noong birthday niya last December.


Maayos na raw ulit ang communication line ni Derek Ramsay at ng ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban.

Katunayan, noong birthday ni Derek last December, binati raw siya ng Kapamilya actress.

Sabi ng aktor, “Yeah, she greeted me on my birthday.

"That was very kind of her. It was nice for her to reach out.”

Nitong nakaraang linggo lang, finollow na siya ulit ni Angelica sa Instagram.

Read: Angelica Panganiban follows ex-boyfriend Derek Ramsay on Instagram

Ano ang nararamdaman ni Derek ngayong unti-unti nang nanunumbalik ang maganda nilang pagkakaibigan ni Angelica?

Tugon ng Kapatid star, “It’s good kasi it’s something in my life that I’ve been hoping… praying for na magkaayos kami, magkabati kami.

“Kasi six years is six years. Kaya sobrang thankful ako na nag-text siya sa akin na, ‘Uy, belated happy birthday.’

“Nakakatawa nga kung paanong mag-greet, e.

"‘Belated happy birthday Derek, Gel.’

“Sabi ko, ‘Thank you very much. Gel, who?’

“'Hahaha! Angel.'

“’Angel who?’

“'Baliw, ex mo.’”

Nag-iba na raw kasi ng number si Angel sa naka-save sa kanyang telepono.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Derek sa grand presscon ng pelikulang Love Is Blind nitong Miyerkules, January 20, sa Valencia Events Place, sa Quezon City.

ANGELICA-JOHN LLOYD SPLIT? Ngayong minsan ay nagti-text na sila, naniniwala ba si Derek sa balitang hiwalay na si Angelica sa boyfriend nitong si John Lloyd Cruz?

Sagot niya, “Hindi totoo ‘yan. Hindi totoo ‘yan.

“Yeah, she told me about her plans… the thing they do for the holidays.

“Anyway, that’s not for me to get into details.

“Ang alam ko lang, hindi sila [hiwalay].”

Ayon kay Derek, masaya siya na bukod sa maayos na ang pagkakaibigan nila ni Angelica ay okay na rin ang pakikitungo nila sa isa’t isa ng isa pa niyang dating nobya na si Solenn Heussaff, na kasama niya sa Love Is Blind.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN