Jerald Napoles surprised by Valeen Montenegro's alleged involvement in Ciara-Jojo split

Jerald Napoles on rumor that Valeen Montenegro is having an affair with Ciara Sotto's husband Jojo Oconer: "Actually, marami ang nagsasabi na palaging ganun ang pananaw ng tao, na kapag may usok, may apoy. Pero ako, hangga't hindi ma-confirm, hindi natin alam kung ano ang nangyari. Kaya ayokong mag-judge kasi lahat sila malapit sa akin. Ayokong idya-judge lahat, e, wala naman talaga akong alam. Nabalitaan ko lang bigla."


Aware ang aktor na si Jerald Napoles sa pagkakadawit ng ka-love team niya sa Sunday Pinasaya na si Valeen Montenegro sa hiwalayan ni Ciara Sotto at ng asawa nitong si Jojo Oconer.

Si Valeen ang itinuturong third party sa pagkasira ng pagsasama nina Ciara at Jojo, ngunit hanggang ngayon ay wala pang nagsasalita sa mga sangkot sa isyung ito.

Read: Valeen Montenegro accused of being third party in Ciara Sotto-Jojo Oconer separation

Sabi ni Jerald tungkol sa isyu, “Actually, nabalitaan ko na lang, kaya wala rin akong alam.

“Siyempre nagulat ako kasi kilala ko rin ang mga kasali.

“Close ako kay Ciara, kay Jojo, boss ko yun.”

Pero diin niya, “Ayoko rin makialam. Bilang respeto, bilang kaibigan nilang tatlo.”

Nahihirapan ba siya sa sitwasyon ngayon bilang kaibigan niya ang lahat ng involved?

Sabi ni Jerald, “Actually, hindi ko nga masabing nahihirapan ako, pero meron akong gulat factor.”

Saan nanggagaling yung gulat factor niya?

“Nagulat ako kasi puro kaibigan ko ang involved.

“Ngayon, si Valeen siyempre, love team ko, nagulat ako sa balita.

“Pero ang lalaki, ganyan, hayaan mo na.

“Kasi, kahit ang mga kaibigang lalaki, hindi nagtatanungan ng lovelife. 

“Hayaan mo na, magkakasama naman kami sa rehearsal, Sunday Pinasaya, hindi naman namin napag-uusapan.”

May nao-observe ba siya?

“Wala, wala,” saad niya.

Nakikita ba niya si Jojo na dumadalaw sa set ng Sunday Pinasaya?

Sabi ni Jerald, “Kapag rehearsal, nandoon siya. Pero siyempre, corporate. 

“Hindi mo naman maaasahan, siya ang nasa corporate side kaya siya ang laging nandoon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Jerald sa press conference ng bagong primetime series na That’s My Amboy, nitong Huwebes ng gabi, January 21, sa 17th floor ng GMA Network Center.

KAPAG MAY USOK, MAY APOY. Tinanong ng PEP si Jerald kung naniniwala ba siyang "kapag may usok, may apoy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Actually, marami ang nagsasabi na palaging ganun ang pananaw ng tao, na kapag may usok, may apoy. 

“Pero ako, hangga’t hindi ma-confirm, hindi natin alam kung ano ang nangyari.

“Kaya ayokong mag-judge kasi lahat sila malapit sa akin.

“Siyempre, si Sir Jojo, boss ko sa APT ‘yan. 

“Ayokong idya-judge lahat, e, wala naman talaga akong alam. Nabalitaan ko lang bigla.”

Nalungkot ba siya sa balita?

Saad ni Jerald, “Oo, parang damay ang tatlong kaibigan ko. Sana ibang tao na lang. May ganun din ako.

“Parang hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari, parang meron din akong naiisip-isip lang.”

Bilang common friend nina Ciara, Jojo, at Valeen, may magagawa kaya siya para maayos ang sitwasyon?

Sabi ni Jerald, “Kung may kaya akong gawin? 

“Well, kung ako ang masusunod, ang gusto kong mangyari, kung anuman itong pinagdadaanan nila, matapos sila at magkaayos sila.

“’Di ba, hindi natin alam kung nagkausap-usap na ba sila o ano ba ang sitwasyon ng bawat isa. 

“Sila rin ang makakalutas niyan, e.

“Initiative nila at mga kaibigan nilang nagmamahal sa kanila, tutulong sa kanila.”

VALEEN ATTACKED BY BASHERS. At dahil si Valeen ang itinuturong dahilan ng hiwalayan nina Ciara at Jojo, hindi maiwasang ulanin agad ito ng batikos sa social media.

May mga nagsasabi pang dapat daw ay umalis na ito sa mga programang kinabinilangan niya.

Bukod sa Sunday Pinasaya ay kasama rin si Valeen sa daytime series na Princess in the Palace.

Ano ang reaksiyon dito ni Jerald?

Saad niya, “Kasi sa show namin, maayos naman ang pagtatrabaho ni Valeen.

“Maayos naman ang relasyon niya sa lahat sa amin.

“So, wala akong karapatan na sabihan siya o i-judge siya na, ‘Uy, may isyu ka, umalis ka rito.’ Hindi naman ganun.

“Kasi, nagtatrabaho kami pare-parehas.

“Maayos naman ang trabaho niya.

“Maganda naman ang appreciation ng mga taong nanonood sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa tingin ko, hindi naman dapat.”

Bilang magkasama sila sa trabaho, kumusta ngayon si Valeen?

Sagot ni Jerald, “Okey naman si Valeen.

“In demand din yun, e. Masipag din magtrabaho.

“Nasa Vigan sila kahapon, promo ng Sunday Pinasaya.” 

Wala naman daw siyang nakitang pagbabago kay Valeen pagkatapos lumabas ng isyu.

“Busy kaming lahat nun, Sinulog Festival.

“Pero kung tatanungin niyo kung kumusta si Valeen, it’s all the same.

“Even the Saturday rehearsal, tsumi-chika kami, tumatawa kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN