PEP EXCLUSIVE. Bailey May chides BaiLona fans for bashing Jayda Avanzado

Nakarating na daw kay Bailey May ang nangyaring pambabash sa anak ni Jessa Zaragoza na si Jayda dahil sa ipinost nitong larawan nilang dalawa sa Instagram. Ayon kay Bailey, nagpa-picture lang daw sa kanya si Jayda at wala itong ibang kahulugan.

 


Aware daw ang PBB 737 Teen Edition alumnus na si Bailey May na na-bash nang husto si Jayda Avanzado ng BaiLona fans pagkatapos nitong mag-post ng kanilang larawan sa Instagram.

Si Jayda ay ang nag-iisang anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza.

Ang BaiLOna ay ang bansag sa love team ni Bailey at ng kapwa niya PBB housemate na si Ylona Garcia.

Nabasa raw niya ang comments sa Instagram nito at ikinalungkot ito ng Fil-Brit aspiring singer-actor.

Pahayag ni Bailey, "Well, you know, I think she was misunderstood.

"She asks for our picture and people kinda misunderstood it, and I guess [it was blown out of proportion].

"She just came up to me and asked for a picture and I said, 'Yeah.'

"And after that, she said, 'Thank you.'

"That's all really, nothing else."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bailey sa launching ng Taste The Feeling campaign ng Coke nitong Huwebes ng gabi, January 21, sa Manila Peninsula Hotel, Makati City.

Kasama niyang inilunsad ang kapwa niya Kapamilya stars na sina Ylona, Enchong Dee, Janella Salvador, Enrique Gil, Liza Soberano, at James Reid.

BE CAREFUL. Sa posts ng BaiLona fans, ginamit nila ang hashtag na #BaiLonaLang at ayaw raw nilang maipareha sa iba si Bailey.

Dahil sa mga below the belt na na pagtira at pambibira kay Jayda, to the rescue ang nanay nitong si Jessa.

Halos inisa-isa ng singer-actress ang mga nagsalita ng masama laban sa anak at pinagsabihan niya ang mga ito.

Read: Jessa Zaragoza defends daughter Jayda against BaiLona fans

Dahil beast mode sa pagiging seloso ang kanilang fans ni Ylona, nakikiusap ang 13-year-old Kapamilya star na maging maingat sana sila sa kanilang mga komento.

"Just show man, we're just friends. And just be careful what you say sometimes.

"Just watch on what you say because people may get upset by it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Stay happy and keep supporting us. Yeah, just stay happy.

"Keep no hating or anything just spread the love. I love you guys so much"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN