Arci Muñoz admits working with Gerald Anderson is dream come true

Hanggang ngayon ay tila lutang pa raw sa alapaap ang pakiramdam ng Pasion de Amor star na si Arci Muñoz matapos siyang mapili bilang leading lady ni Gerald Anderson sa upcoming post-Valentine offering ng Star Cinema. Sabi pa ng 27-year-old star, "Yes. Hindi, never ko siya in-expect na mangyari talaga sa takbo ng career ko."


Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Arci Muñoz na magiging leading-lady siya ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson sa isang pelikula.

Bulalas niya, “E di ano, hindi ako makapaniwala!”

Pangarap daw niya noon pa na magiging katambal si Gerald pero hindi niya akalain na matutupad ito.

Masayang sagot ng Pasion de Amor star, “Yes. Hindi, never ko siya in-expect na mangyari talaga sa takbo ng career ko.

“Alam mo, every time na nagsu-shoot kami, tapos nakikita ko yung clapper na nakalagay Gerald-Arci project, naiiyak ako.”

“Oo, totoo. Hindi ko talaga siya in-expect. So malaki talaga ang utang na loob ko sa Star Cinema, sa ABS-CBN sobra.”

Wala pa ring titulo ang naturang post-Valentine movie ng Star Cinema. Pero, para sa aktres, heaven ang kanyang pakiramdam na mapiling ka-love team ni Gerald.

Read: Gerald Anderson paired with Arci Muñoz; overcomes fear of needles for post

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arci sa press preview ng Converse Spring-Summer 2016 collection noong gabi ng Miyerkules, January 20, sa may Pineapple Lab Bar, Rockwell, Makati.

OVERWHELMING PRESSURE. Bukod sa nararamdamang excitement dahil sa malaking break na ibinigay ng Kapamilya Network, hindi rin maiwasang makaramdam ng pressure ang dalaga.

Kuwento nito, “Overwhelming pressure, pero siyempre basta ako gagawin ko lahat ng... siyempre, 'di ba, makakaya ko, yung best ko.

"So, I think yun naman yung pinakaimportante, kung ano man ang kalabasan, 'di ba at least alam mo sa sarili mo, 'Binigay ko lahat.'”

Sa February 24 nakatakdang ilabas sa mga sinehan ang pelikula. Ano nga ba ang role niya sa movie?

Lahad ng 27-year-old actress-singer, “It’s about a relationship na walang labels, yung parang akala mo kayo na pero wala, hindi pala.

“'Tapos kung kailan lang gusto nung other person na wala na lang kayo, parang ganun naman, parang mga pa-fall ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A BIG CHALLENGE. Ito ang kauna-unahang lead role ni Arci sa pelikula, kaya bukod sa pressure, challenge din daw ito para hindi naman ma-dissappoint ang mga nagtiwala sa kanyang makakaya niya.

Aniya, “Oo. Iba talaga, sabay pa ‘yan ng Pasion de Amor at saka itong movie, e, medyo mapapag-compare talaga nila yung character.”

Sa huli, sinabi ni Arci na isa itong napakagandang birthday gift sa kanya ng Panginoon dahil noong January 12 lamang siya nagdiwang ng kanyang ika-27 kaarawan.

Pagtatapos pa niya, “Sobra. Sakto pa nung sinabi sa akin yun. Nagkaroon kami ng storycon birthday ko, birthday gift nila yun sa akin. Sobrang blessed.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN