Roderick Paulate speaks up on his dismissal from office: "God is just! He knows the truth."

Ayon sa na-dismiss sa puwesto bilang konsehal sa Quezon City na si Roderick Paulate, kasinungalingan daw ang lahat ng mga ibinibintang sa kanya kabilang na ang pagha-hire diumano ng kanyang opisina ng mga "ghost employees" noong taong 2010.


Isang follower sa Instagram ng na-dismis na konsehal sa second district ng Quezon City na si Roderick Paulate ang nag-udyok dito na magsalita na ukol sa kanyang pagkatanggal sa puwesto.

Ayon kay @castenmichael, “TINANGGAL KA SA PWESTO BAKIT HINDI MO IPAGTANGGOL SARILI MO SA MEDIA GRABE YAN KASO SAYO KUYA DICK.”

Kaagad ding sinagot ito ng actor-politician. Sagot ni Roderick, “Nakakalungkot nga kasi minsan oa ang news…

“Hindi naman ito malaki, sobrang pinalalaki lang ng mga nasa likod nito ang Kasinungalingan ito…

“Sad to say, maraming humusga na kahit di nila naiintindihan ang nangyayari sa akin…Tinaon nila sa election period na... Basta, truth will prevail.

“God is just! He knows the truth. Salamat sayo. @castenmichael

QC Barangay Day Care Centers #district2 #preschoolers #cute #love #blessthem #futureleaders

A photo posted by Roderick Paulate (@roderickpaulate) on

Matatandaang nitong nagdaang mga araw, lumabas ang hatol ng Office of the Ombudsman na nagtanggal sa kanya sa serbisyo, kasama ang tatlo pang mga opisyales ng Quezon City, dahil sa pagha-hire nila ng “ghost employees” noong 2010.

Maliban sa pagkatanggal sa puwesto, pinatawan din sila ng mga parusang accessory penalties of perpetual disqualification from holding public office, cancellation of eligibility, at forfeiture of retirement benefits.

Read: Roderick Paulate, 3 other QC officials dismissed from office for hiring "ghost employees”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN