Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach explains how she intends to address cyberbullying

What can Miss Universe Pia Alonzo-Wurtzbach say about lashing back at bashers? "Hindi po tama 'yan at nagiging pangit po yung imahe natin sa ibang bansa."


Isa sa mga adbokasiya ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach ay ang anti-cyberbullying; bukod pa sa HIV-AIDS awareness at relief operations sa mga nasalantang lugar.

Pero sa pagsisimula ng kanyang panunungkulan bilang Miss Universe, ang cyberbullying marahil ang adbokasiyang una niyang nabibigyan ng pansin dahil aktibo si Pia sa social media.

Ilang beses na ring nag-post ng comments si Pia na nananawagan sa kanyang supporters sa social media na itigil ang pagsagot at pakikipag-away sa bashers.

Kagaya ng pakikipagsagutan ng kanyang Filipino supporters laban sa Colombians na masama pa rin ang loob sa pagkatalo ng kanilang kinatawan na si Ariadna Gutierrez kay Pia sa Miss Universe pageant.

Read: Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach: “Huwag na po pumatol sa mga bashers. Nanalo na po tayo.”

Ganito rin ang ginawa ni Pia nang batikusin ng Filipino netizens si Miss Australia Monika Radulovic nang sabihin nitong ang Top 3 sa Miss Universe 2015, kabilang si Pia, “weren’t that nice.”

Sa homecoming press conference ni Pia nitong Linggo, January 24, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pia kung ano ang mga hakbang na ginagawa niya para kaugnay ng kanyang adbokasiya laban sa cyberbullying.

Sagot niya, “I’m still looking for established organizations that work on that.

“But the mere fact that I’m talking about it is already work on its own.

"And I’m trying to be a good example by constantly reminding everybody na huwag nang mang-bash, huwag na pumatol.

“And even to the Filipinos, na huwag na po tayong pumatol sa mga bashers online.

“Hindi naman kailangan na sagutin lahat. Hindi naman kailangan pumatol palagi.

“Kung meron mang masamang comment, if everybody flocks to attack that person...

"I mean, yeah, it’s cyberbullying because they’re bullying me, but then it’s also bullying that you’re fighting back.

“There should be a limit to everything, so I constantly remind everybody on social media, huwag na po tayong pumatol, huwag na po tayong mag-reply, huwag na po tayong magsalita ng masama tungkol sa ibang girls,” pagtukoy sa fellow Miss Universe candidates niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Pia, “Hindi po tama ‘yan at nagiging pangit po yung imahe natin sa ibang bansa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN