Julia Clarete is back; visits Ciara Sotto's home amid "third party" rumor

Nasa bansa muli ang dating Eat Bulaga host na si Julia Clarete para sa isang singing commitment. Binisita rin nito ang kaibigang si Ciara Sotto.


Nasa Pilipinas muli si Julia Clarete.

Magkakaroon ng show ang aktres mamayang gabi, January 26, sa isang bar sa Makati.

Biglaan ang kanyang pagkawala sa Eat Bulaga!, kung saan naging Dabarkad siya sa mahigit sampung taon.

At nang ibinalita ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 9, halos kasunod lang ng balita tungkol naman sa hiwalayang Ciara Sotto at Jojo Oconer.

Ang announcement ni Ciara sa Instagram tungkol sa pag-alis niya sa conjugal home nila ni Joe ay nai-post noong January 15.

Tuloy, inisip ng iba na may kinalaman si Julia.

Pero sa tweet ni Caira kay Julia, makikitang all is well between them.

Ang dahilan ng pag-alis ni Julia sa bansa ay dahil maninirahan na ito sa Malaysia.

READ Why did Julia Clarete leave Eat Bulaga!?

“JULIA IN THE HOUSE.” Kagabi, January 25, nag-post ng dalawang videos sa Instagram si Ciara kasama si Julia at ang anak nitong si Sebastian.

Caption ni Ciara sa unang video, "Thanks for visiting us@juliaclarette :-) I love youuuuuuuuu! I really missed you and Seb!"

Thanks for visiting us @juliaclarette :-) I love youuuuuuuuu! I really missed you and Seb!

A video posted by Ciara Sotto (@pinaypole) on

Sa isa pang post niya, sabi ni Ciara sa caption: "Ang guapo ni Sebastian@juliaclarette !!!"

Ang guapo ni Sebastian @juliaclarette !!!

A video posted by Ciara Sotto (@pinaypole) on

Samantala, hindi naman nabanggit kung magpapakita sa Eat Bulaga! si Julia bago ito lumipad muli patungong Malaysia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN