Anne Curtis: "Stop saying awful things about my sister and boyfriend."

Anne Curtis defends her sister Jasmine Curtis-Smith and boyfriend Erwan Heussaff amidst malicious accusations triggered by screen captured photos showing Jasmine and Erwan in "playful" situation.


Ipinagtanggol ni Anne Curtis ang nakababata niyang kapatid na si Jasmine Curtis-Smith at boyfriend niyang si Erwan Heussaff laban sa mga malisyosong komento ng netizens.

Ito ay kaugnay ng usap-usapan ngayon sa social media na screen captures na nagpapakita kina Jasmine at Erwan na sobrang close at magkadikit ang mukha.

Binigyan ito ng malisya ng ilang netizens.

Nanggaling ang screen grabs na ito sa Snapchat video na ipinost ni Jasmine sa kanyang social media account, subalit binura rin niya ito dahil sa negatibong reaksiyon ng ilang netizens.

Pero bago pa man mabura ang nasabing video, may mga netizens nang nakapag-screen grab nito.

Mas naghinala namang ilang netizens dahil sa pagbura ni Jasmine sa nasabing Snapchat video.

Read: (UPDATED) Jasmine Curtis-Smith deletes Snapchat 'playful' video with Erwan Heussaff

ANNE: "PLEASE STOP." Ngayong Martes ng gabi, January 26, nag-post si Anne ng kanyang statement sa Twitter kaugnay ng isyu.

Tweet pa ni Anne na kalakip ang kanyang statement, “This is the only time I will comment on this issue. So please STOP saying awful things about my sister and boyfriend.”

Sinabi niyang “inside joke” umano ang ginawa nilang video pero nabigyan ng malisya sa pagkaka-screencapped nito.

“Hey, all this is getting out of hand. It was all an inside joke between my boyfriend, my sister, myself and everyone at the party. My private account was wrongly screencapped and this is becoming ridiculous.”

Sinabi rin ng It's Showtime host na tinanggal nila ang post dahil malisyoso ang reaksiyon ng marami tungkol dito.

“We took down posts because so many people reacted maliciously to them automatically and we didn't want all of this to happen. Case in point.

“Nothing happened, we are all fine. I'm lucky that Erwan treats Jasmine like his own sister. He has known her since she was 13.

“So please, STOP.

“It deeply saddens me that such viciousness is being thrown at the people I love. DON'T perverse their relationship. I mean, seriously. This is a non-ssue.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN