Have Angel Locsin, Luis Manzano called it quits?

Angel Locsin and Luis Manzano have allegedly called it quits, three weeks after the Kapamilya actress posted a "family meets family" photo on her Instagram account. 


Usap-usapang hiwalay na raw ang magkasintahang Angel Locsin at Luis Manzano matapos ang mahigit dalawang taong relasyon pagkatapos nilang magkabalikan.

Matatandaang magkasama pang nagbakasyon sina Angel at Luis sa U.S., kung saan sinalubong nila ang Bagong Taon kasama ang ama ng TV host-actor na si Edu Manzano at mga kapatid na sina Addie at Enzo.

Nasundan pa ito ng isang pagkakataon kung saan nagkita ang magkasintahan kasama ng ama ni Angel na si Angel Colmenares at ina ni Luis na si Batangas Governor Vilma Santos.

Naroon din ang kapatid ni Luis na si Ryan Christian Recto at ang stepfather niyang si Senator Ralph Recto.

Base ito sa Instagram post ni Angel na may caption na “family meets family” tatlong linggo na ang nakararaan.

Read: Angel Locsin and Luis Manzano celebrate New Year together with their families

Marami ang umaasang hudyat itong malapit nang mag-level up ang relasyon nina Angel at Luis, lalo pa't matatag na rin ang pundasyon ng kanilang samahan.

Matatandaang unang naging magkarelasyon ang dalawa noong 2007, at naghiwalay noong 2009 dahil sa hindi malamang kadahilanan.

Ngunit pagkatapos ng ilang taong walang komunikasyon ay nanumbalik ang magandang pagtitinginan sa pagitan nila at saka opisyal na nagkabalikan noong February 16, 2014.

TROUBLED RELATIONSHIP? Ngunit ayon sa source na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kapansin-pansing tila may pinagdadaanang problema ang magkasintahan nang mamataang “iyak nang iyak” si Angel “in between breaks” sa taping ng Pilipinas Got Talent Season 5.

At ang dahilan diumano ng pag-iyak ni Angel ay hiwalay na sila ni Luis.

Si Luis ay isa sa mga host ng programa, kasama si Billy Crawford; habang si Angel naman ang isa sa mga hurado, kasama sina Robin Padilla, Vice Ganda, at Freddie Garcia.

Ito rin ang hinihinalang dahilan kung bakit hindi napigilang maging emosyunal ni Angel sa mismong on-cam taping ng naturang Kapamilya reality talent show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katatapos lang mapanood ng mga hurado ng PGT ang deklarasyon ng isang male contestant na handa siyang maghintay at patuloy na ligawan ang kanyang kapareha sa naturang show, nang mapansin ni Vice na napaluha si Angel.

Hirit ni Vice, “Luis, umiiyak si Angel!”

Mapapansing medyo na-conscious si Angel at tumalikod ng pagkakaupo habang palapit sa kanya si Luis,

Nang makalapit na si Luis, tinanong niya si Angel, “Bakit ka naiyak?”

Sa halip na sumagot ay madamdaming tinitigan lamang ni Angel si Luis.

Sabi ulit ni Luis, na masuyong hinaplos ang mukha ng dalaga, “I love you. Okay.”

Sa kabila ng usap-usapang hiwalay na ang magkasintahan, kapansin-pansing nananataling maganda ang pakikitungo ni Angel sa kanyang co-star at ina ni Luis na si Governor Vi.

Base ito sa Instagram post ni Angel kung saan makikitang nagyakap sila ng Star For All Seasons.

Kalakip nito ang caption na nagsasabing: “Thank you for everything.”

Thank you for everything?? #EverythingAboutHer

A photo posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

LUIS SPOTTED AT PREMIERE NIGHT OF ANGEL’S MOVIE. Samantala, dumalo si Luis sa premiere night ng pelikulang pinagbibidahan nina Vilma, Angel, at Xian Lim na Everything About Her kagabi, January 26.

Gayunman, kakatuwang hindi nakunan ng larawan na magkasama sina Angel at Luis sa premiere night.

Base sa seating arrangement sa loob ng sinehan, pinagitnaan si Angel ng kanyang co-stars na sina Vilma at Xian.

Nakaupo sa bandang kaliwa ni Vilma ng mister na si Ralph at anak na si Ryan.

Si Luis naman ay nakapuwesto sa second row of seats mula sa likuran ng kinauupuan ni Angel.

Sa dami ng tao sa loob ng sinehan, tila hindi na rin nagkaroon ng pagkakataon si Luis na makalapit sa hanay nila Angel.

Maliban na lang kay Vice Ganda na namataang sandaling nakausap ni Luis bago nagsimulang ipalabas ang pelikula.

Pagkatapos ng screening ay umalis na rin si Luis at hindi na dumalo sa after party ng cast at staff ng Everything About Her, na ginanap sa isang restaurant malapit sa sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinubukan ng PEP na hingan ng pahayag sina Angel at Luis hinggil sa espekulasyon tungkol sa kanilang relasyon.

Ngunit at press time ay parehong tahimik ang dalawa hinggil sa isyu.

Hindi rin malinaw kung may kaugnayan dito ang binahaging quote ni Angel kagabi na nagsasabing: "Always be there for the people who matter the most to you."

?????

A photo posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN