House panel approves bill exempting Pia Wurtzbach from paying taxes

House Ways and Means committee approves House Bill 6367, which gives tax exemption to Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.


Aprubado sa Kongreso ang panukalang batas para bigyan ng tax exemption si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Ayon sa ulat ng GMA News kahapon, January 26, inaprubahan ng House Ways and Means committee ang panukalang batas na isinumite nina Cagayan de Oro representative Rufus Rodriguez at Abante Mindanao party-list representative Maximo Rodriguez Jr.

Nakasaad sa House Bill 6367 na bibigyan ng tax exemption ang nagwaging 2015 Miss Universe para sa kanyang mga napanalunan, kabilang na ang isang taong suweldo niya, ang accommodation niya sa New York.

Ayon naman sa Bureau of Internal Revenue (BIR) lawyer na si Nina Asuncion, hindi magkakaroon ng double taxation sa mga nalikom ni Pia mula sa Miss Universe pageant kung makakapagsumite siya ng mga kinakailangang dokumento.

Aniya, "The US may have already taxed Pia Wurtzbach on the prizes she received there. If she wants the tax she paid there credited in the Philippines, she has to submit the documents as proof of the same."

May tax treaty sa pagitan ng gobyerno ng Amerika at Pilipinas.

Bagamat pasado na sa Kongreso, mahaba ang prosesong tatakbuhin ng naturang panukalang batas kaugnay ng tax exemption para kay Pia.

Kaunting panahon na lamang nalalabi para pag-usapan ito dahil mag-a-adjourn na ang Kongreso sa susunod na linggo.

Samantala, sa kanyang homecoming press conference kamakailan, sinabi ni Pia na handa naman siyang magbayad ng buwis sa mga kikitain niya rito sa bansa.

“I pay my taxes when I was with ABS-CBN… as an actress; when I was with Binibini, so I’ll continue on doing that as long as I’m earning money here, like everybody else,” aniya.

Read: Pia Wurtzbach promises to pay taxes on pageant winnings, except crown

Huwag kang mag-alala, Kim Henares. Willing naman magbayad ng buwis si Miss Universe Pia Wurtzbach.For more videos, go to http://www.pep.ph/media

Posted by pep.ph on Monday, January 25, 2016


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN