Bianca King reconciles with boyfriend Julio Villafuerte

Kahit si Bianca King ay hindi maipaliwanag kung anong klaseng set-up mayroon sila ngayon ng nakabalikang boyfriend na si Julio Villafuerte. Pero tiniyak niyang kapag may bakante silang oras pareho ay nagkikita naman daw sila.

 


Nagkaayos na ang aktres na si Bianca King at ang nobyo niyang si Julio Villafuerte.

Matatandaang noong July 2, 2015 ay inamin si Bianca na naghiwalay na sila ni Julio Villafuerte, nakababatang kapatid ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte.

Paliwanag noon ni Bianca, may mga bagay raw na wala pa sa tamang panahon at pinag-usapan nila ang kanilang paghihiwalay ng landas matapos ang dalawang taong relasyon.

Read: FIRST READ ON PEP. Bianca King admits breakup with non-showbiz boyfriend Julio Villafuerte

Kahapon, January 27, sa presscon ng Wattpad Presents ng TV5 at Viva Communications—kung saan mapapanood siya sa episode na "My Soulmate is from Another Planet"—inilahad ng 28-year-old actress na nagkaayos na sila ni Julio, 23.

“Oo, last year [naghiwalay kami],” sabi niya.

Paano nila naayos ang kanilang relasyon?

“Working on it pa din," paglilinaw ni Bianca.

Pero sila na ulit?

Diretso niyang sagot, “No! No!

“Technically no, but maybe almost yes, alam mo naman.”

Hindi ba mahirap yung ganung klaseng set-up sa kanilang relasyon?

Tugon ni Bianca, “Hindi naman mahirap… meron din naman kaming ginagawa sa buhay.

“Basta, pag meron kaming free na oras, nagsasama naman kami.

“It’s just that, yung timing… iba lang yung focus namin now.”

Samantala, gusto raw ni Bianca na muling gumawa ng teleserye.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN