Willie Revillame admits to almost giving up on Wowowin

Willie Revillame signs for the daily airing of his game-variety show Wowowin. With him are GMA Network executives (L-R) Mr. Jimmy Duavit, Atty. Felipe L. Gozon, Mr. Jose Mari Abacan, and Mr. Phillip Yalung.


Kahapon, January 29, ay pinirmahan na ni Willie Revillame, producer ng WBR Entertainment, ang kontrata sa GMA Network para sa variety-game show niyang Wowowin na mapapanood na araw-araw, simula February 1, mula Lunes hanggang Biyernes, bago mag-24 Oras.

Natutuwang ipinahayag ng chairman at CEO ng Kapuso network na si Atty. Felipe Gozon na gusto nilang simulan ang taong 2016 ng mga nagna-number one at namamayagpag sa ratings.

“Itinaon talaga natin ‘yan sa umpisa ng taon sapagkat we are lining up the programs for this year.

“Kahapon [January 28], yung Eat Bulaga, number one; itong si Willie, also number one.

“Kaya we’re starting with the number one station,” pahayag ni Atty. Gozon.

Isang araw bago ang pagpirma ng kontrata ni Willie ay pumirma rin ng renewal of contract ang TAPE Inc. para sa patuloy na pagpapalabas ng Eat Bulaga! sa Kapuso network.

Read: Eat Bulaga! renews ties with GMA Network; AlDub, JoWaPao to continue with Kalyeserye

Nilinaw na rin ni Atty. Gozon na ang pinirmahan ni Willie ay para sa daily airing ng Wowowin.

Iba raw ito sa pinirmahan ng Wowowin host nung nakaraang taon na para lamang sa kanyang weekly show.

Saad ng GMA-7 executive, “Parang gumradweyt na ngayon si Willie from high school to college. Mas mahirap ang college.

“I have no doubt na mami-maintain ni Willie ang ratings, napakasipag e.”

Saad naman ni Mr. Jose Mari Abacan, vice president for programming ng GMA-7, “Sa totoo lang, nung unang pumasok pa lang si Willie sa amin once a week, nakita na namin kung paano siya minahal ng tao and it translated to ratings at talagang ang lakas ng show.

“Kaya hindi naging mahirap sa amin desisyunan kung gagawin natin siya ng araw-araw.

“Iniisip na lang namin nung una naging one hour, naging one hour and fifteen, minsan naging one hour and thirty every week.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, para bang naisip lang namin na kung ganito yung reception ng tao at mas maraming napapaligaya, nakikita naman sa palabas, e.

“So, ‘Ano kaya kung itodo na natin Monday to Friday?’”

THANKFUL TO GMA-7. Patuloy namang nagpapasalamat si Willie sa suportang ibinibigay ng GMA Network sa kanya.

Muntik na raw siyang sumuko noon pero ipinaramdam sa kanya ng Kapuso network na kailangan siya, na ayaw siyang bitawan.

Saad ng TV host, “Actually, hindi niyo lang alam, medyo muntik na akong huminto.

“Financially mabigat, e, talagang mabigat yung gastos kasi after six months, seven months bago bumalik.

“E, wala naman akong marketing arm. Pero sobra ang suporta ng GMA, e.”

Kuwento pa ni Willie, “One time, nagpaalam na ako sa kanila, e, baka hanggang last Sunday na ako kasi I’m spending so much.

“Malaki na ang nagagastos, medyo wala akong income, so medyo mabigat.

“One afternoon, tumawag sa akin si Boss Joey Abacan. Sabi niya, ‘Hindi mo kami puwedeng iwan. Nag-usap na kami ni FLG [Atty. Gozon], ni Mr. [Jimmy] Duavit na gusto namin mag-stay ka dito. We will help you.’

“So, nagkaroon kami ng deal na fifty percent.

“Kumbaga, if you’re paying 100 pecent, 50 percent na lang.

“So, sabi ko, baka hindi ko pa rin kayanin, ganun.

“After nun, humingi sila sa akin ng meeting, ginawa nang co-production. Ang ibig sabihin nun, hati na kami sa gastos.

“After that, ito na, ibang deal na naman ‘to."

Patuloy niya, “Sobrang okay na ito ngayon, iba, e.

“Sobrang okay ito. Gaganahan ka na talaga.

“Hindi ko na iniisip masyado ang bigat ng gastos, at saka GMA na ang marketing nito, hindi na ako.

“Sobrang gaan na sa akin.”

OFFER FROM OTHER NETWORK. Iniwasan naman ni Willie na sagutin ang isyung inaalok na siya uling bumalik sa dati niyang TV network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi lang nilinaw kung sa ABS-CBN ba ito o sa TV5.

Saad ng 55-year-old TV host, “Hindi ko na siguro puwedeng i-discuss pa ‘yan dahil napakasama ko namang tao kung lilipat pa ako na ganun na ang ginawa sa akin ng GMA.

“Saka dito na ako nag-umpisa sa Lunch Date, and besides this is where I really belong.”

Posibleng dito sa GMA-7 na nga ba siya mag-retire?

“I hope so,” mabilis niyang sagot. “Hanggang gusto pa nila ako dito, okay naman, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN