Alden Richards brings smiles to grieving Loyzaga family

Panandaliang napawi ang lungkot ng pamilya Loyzaga sa pagpanaw ng basketball legend na si Caloy Loyzaga nang dumalaw ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa burol at nagbigay ngiti sa Loyzaga family.


Panandaliang pinawi ni Alden Richards ang pagdadalamhati ng pamilya Loyzaga nang dumalaw siya sa burol ng basketball legend na si Carlos “Caloy” Loyzaga, na pumanaw noong January 27, Miyerkules.

Si Caloy, 85, ang ama ng mga aktres na sina Bing Loyzaga at Teresa Loyzaga at former PBA players na sina Chito at Joey Loyzaga.

Dumalaw si Alden sa burol ng basketball legend nitong weekend.

Pinasalamatan naman ni Bing si Alden sa pagdalaw nito sa kanilang pamilya at pagpapangiti sa kanyang ina sa gitna ng pagdadalamhati ng pamilya nila.

Nagpasalamat din ang mister ni Bing at dating Eat Bulaga! host na si Janno Gibbs kay Alden sa pagdalaw nito sa burol pagkatapos malaman ng Pambansang Bae na iniidolo siya ng mother-in-law ng King of Soul.

Nagpa-picture din kay Alden ang mga anak nina Janno at Bing na sina Alyssa at Gabs.

Caption ni Janno sa kanyang Instagram post: “Nabalitaan nya po na no.1 fan nya ang Mother in law ko… So sinurprise nya.

“Napangiti nya ang lahat sa oras ng dalamhati. Thats why he deserves all the blessings na tinatamasa nya ngayon. Anselmo ka tlga! An Selfless Mo.”

Si Anselmo ang karakter na ginagampanan ngayon ni Alden sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

May nagsasabing ito raw ang dahilan kung kaya’t hindi nakapunta ang sikat na aktor sa reception nina Vic Sotto at Pauleen Luna na ikinasal nitong Sabado, January 30.

Ngunit mapapansin na Sabado ng umaga (10:16 A.M.) nai-post ang larawan ni Alden kasama ang ina ni Bing, habang kinagabihan naman (10:05 P.M.) ipinost ang larawan ng Pambansang Bae kasama ang mga anak nina Bing at Janno.

Read: Maine Mendoza explains why Alden Richards did not attend Vic-Pauleen wedding reception


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN