Xian Lim earns praise for his acting in Everything About Her

Napawi raw lahat ang sakit na nararamdaman ni Xian Lim sa kanyang puso dahil sa pamba-bash na kanyang natanggap sa pagkakasali niya sa pelikulang Everything About Her. Napalitan daw ito ng labis na kasiyahan dahil sa mga papuri at magagandang reviews na kanyang nababasa matapos mapanood ng mga tao ang pelikula nila nina Vilma Santos at Angel Locsin.


Nakahinga na nang maluwag at medyo naka-relax na si Xian Lim mula sa mga nagduda at nangutya sa kanyang kakayahan sa pag-arte sa isang heavy-drama movie.

Bago kasi maipalabas sa mga sinehan ang Everything About Her ay samu’t saring mga panglalait, pagdududa, at pagkutya ang natanggap ng 26-year-old Kapamilya actor kung bakit siya ang napili ng Star Cinema na gumanap sa papel ni Albert Mitra, anak ni Vivian (Vilma Santos).

May inhibition ba siya noong tanggapin ang pelikula dahil sa mga bigating artista ang makakasama niya rito?

Saad ni Xian, “Hindi naman po sa inhibitions, pero ni-ready ko lang po ang sarili ko na marami ang magtatanong… and true enough, marami naman po ang nagtanong, ‘Bakit nga ba si Xian?’

“After nung presscon po nung movie, nung sinimulan na po namin yung pelikula, marami na rin ang mga negative, kumbaga, reactions sa social media.

“And I guess natural na kuwestyunin ng mga tao kung bakit nga ba ako, sa dinami-dami ng dapat piliin, 'Bakit si Xian?'"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang bloggers si Xian sa kanyang thanksgiving presscon ngayong Martes, February 2, sa isang food chain sa Quezon City.

Kasunod na ikinuwento ni Xian ang proseso kung paano nila nagawa nang tama ang mga eksenang kinakailangan ng direktor nilang si Joyce Bernal.

Saad niya, “Napaka-life changing nitong paggawa ng pelikula.

"Yung mismong pag-uusap pa lang namin ni Direk Joyce, hinila niya yung kumbaga kung nandito po yung aking self-worth or yung ego, sabi ni Direk, ‘Tanggalin mo lahat ‘yan.’

“Tapos tinanong din niya ako, ‘Sino ka ba? May napatunayan ka na ba?’

“Marami siyang tinanong sa akin… ‘May napatunayan ka na ba sa mga tao? Ano bang gusto mong mangyari sa pelikulang ito?’

“So, marami po akong na-realize dito habang nag-uusap kami ni Direk Joyce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya, ‘Kailangang mag-focus ka sa bawat eksena. And more than the film, yung mismong pagkatao mo, ayusin mo. Kasi kung hindi mo kilala ang sarili mo, paano mo ‘yan ita-translate sa pelikula?’

“So, sabi niya, ‘You have to be relaxed, you have to open yourself to people.’

“And sabi niya, hindi naman daw niya ako dyiina-judge. ‘Hindi kita dyina-judge, Xian, wala ako dun. Nandito ako bilang director mo to bring out the best in you.’

“So, yun pa lang, yung pag-uusap namin, ang dami ko nang realizations sa sarili ko.”

Dahil sa kanilang masinsinang pag-uusap, marami raw natutunan si Xian sa buhay at pakikisama.

Matatandaang maraming nang-bash kay Xian noon at ikinalungkot ito ng aktor.

Pero sa grand presscon ng pelikula, ipinagtanggol siya ng kanyang co-stars na sina Vilma at Angel, na ikinaluha naman ni Xian.

Read: Vilma Santos defends Xian Lim from bashing: 'It's very unfair na masabihan ng ganun si Xian.'

CHOOSY XIAN? Ngayong tila napatunayan na niyang may ibubuga rin siya sa drama, magiging mapili na kaya si Xian sa mga susunod niyang proyekto sa telebisyon at pelikula?

Sagot niya, “Ay, hindi. Hindi po ako magiging choosy sa mga projects in the future.

"Katulad nga po ng sinabi ni Miss Vilma na, 'You’re always as good as your last.'

"And she always stressed the value of humility and everything is a learning experience.

“And I know sa lahat ng projects, alam ko marami po akong matututunan.”

Willing din ba siyang gumawa ng mga kakaibang karakter sa pelikula, katulad ng gay-themed movie na In My Life nina Vilma, Luis Manzano, at John Lloyd Cruz noong 2009?

Sagot ni Xian, “Oo naman, of course. Given the right material po, of course. Isa po ‘yan sa mga pangarap kong mangyari sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa kanyang napatunayan sa pag-arte, pinuri rin ang hosting job ni Xian sa homecoming party para kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN