Joey Albert wins third battle with cancer: "It might come again but I know how to fight it even better."

Masaya at labis na nagpapasalamat sa Diyos ang singer na si Joey Albert dahil muli niyang napanalunan ang kanyang laban sa cancer sa ikatlong pagkakataon. Ngayon daw, may mga inoobserbahan na lamang sa kanyang lapay ngunit maayos na raw ang kanyang pakiramdam.


Isang masigla at masayang Joey Albert ang humarap sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media nitong Martes ng hapon, February 2.

Unang inusisa ng entertainment press kay Joey ang tungkol sa kanyang naging karamdaman nitong nakaraang taon—ang pagkakaroon niya ng cancer sa ikatlong pagkakataon.

Read: Singer Joey Albert battles colon cancer anew

Lahad ng “Tell Me” singer, “The battle with cancer is really within you.

“It’s really within yourself. It’s how you carry yourself.

“Everybody has the same cancer, it might come in different forms.”

Sa tingin ba niya, nanalo na siya sa naturang laban?

Sagot ni Joey, “I can say that the battle is fully won.

“It might come again but I know how to fight it even better.

“Medically, it is very difficult. This is far more difficult than the last one.

“The first one was very early stage. The second one was in the colon.”

Sa ngayon daw ay may minu-monitor pa ang mga doktor ni Joey sa kanyang pancreas.

Pero sabi ng 55-year-old singer, “Victorious but still cautious.”

At one point ba, kinuwestiyon ni Joey ang Diyos kung bakit niya kailangang danasin ang mga ito?

Sagot niya, “I never asked why.

“You know, you will end up disappointing yourself 'coz you will never know why.

“The challenge is for you to discover why along the way.

“He gives you life, He gives you time to discover.”

Ayon pa kay Joey, sinikap niyang magpakatatag dahil alam niya sa kanyang sarili na makakaya niya itong labanan.

Dasal din daw at paniniwala ang tanging susi sa kanyang paggaling.

Nakausap ng PEP si Joey sa presscon ng kanyang upcoming concert na Celebrate Love, na ginanap kaninang hapon sa isang restaurant sa Quezon City.

CELEBRATE LOVE. “Victorious circumstance” kung ilarawan ni Joey ang kanyang concert na pinamagatang Celebrate Love, na gaganapin sa The Theatre at Solaire  sa February 14.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makakasama niya rito ang singer-composer na si Dennis Lambert, ang nagpasikat ng kantang “Of All The Things.”

Paglalarawan ni Joey sa konsiyerto, “You will expect to fall in love again.

"Dennis Lambert is a very famous composer with a very famous songs in the '70s.

“We will be bringing back those songs and we’ll transport you back when those songs meant anything to you.”

Bukod sa kanyang mga sikat na awiting "I Remember The Boy," "Memories," at "Ikaw Lang Ang Mamahalin,” kabilang din sa repertoire ni Joey ay ang Bruno Mars medley.

Mabibili ang tickets ng Celebrate Love sa Ticketworld (8919999) at Artist House (815-1953/09052706823).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN