Lovi Poe dismisses money issue with boyfriend Rocco Nacino

Dinepensahan ni Lovi Poe si Rocco Nacino tungkol sa diumano'y paglustay nito sa pera ng kanilang joint account. Pero ayaw pa rin niyang magbigay ng detalye kung sila pa rin o hiwalay na sila.


Ayaw pa ring magsalita ni Lovi Poe tungkol sa usap-usapang break na diumano sila ni Rocco Nacino.

Pahayag ng Kapuso actress, "Mahirap sabihin, e. It's confusing, it's complicated.

"Siguro, I just wanna keep it private kung ano man yung mga mangyayari."

May regrets ba sa panig niya kung anuman ang nangyari sa kanila ni Rocco?

Sagot ni Lovi, "No, none. I'm completely happy where I am."

Matatandaang Nobyembre ng nakaraang taon, lumutang ang balitang hiwalayan nina Lovi at Rocco.

Pero hanggang ngayon, nanatiling tikom ng dalawa sa tunay na estado ngayon ng kanilang relasyon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Lovi sa presscon ng nalalapit nilang concert ni Solenn Heussaff, ang Fantaisie, kaninang tanghali, February 3.

Ang Fantaisie ay gaganapin sa Sabado, February 6, sa Music Museum.

"NOT TRUE." Isa ring itinuturong dahilan ng hiwalayan diumano nina Lovi at Rocco ay ang paglustay raw ni Rocco ng pera mula sa kanilang joint account.

Read: Rocco Nacino clears allegations about rumored breakup with Lovi Poe; remains mum on real status of their relationship

Pero depensa ng aktres, "That's not true, a. Parang siguro, I really don't wanna talk about the real status of what's happening between me and Rocco.

"But then, that for sure is not true

"Parang nakakahiya naman sa kanya. That's not true."

Nitong nakaraang Disyembre, sa eksklusibong panayam ng PEP kay Rocco, muli niyang pinabulaanan ang isyu ng pagkakaroon ng third party at ang tungkol sa usapin ng pera.

Read: PEP EXCLUSIVE. Rocco Nacino still mum on rumored breakup with Lovi Poe

CAREER MOVE? May mga nagsasabi namang hindi pa raw talaga sila break at pinapalabas lamang na hiwalay na sila para sa kani-kanilang mga career.

Katunayan, may mga nagsasabing nakita pa ang dalawang magkasama sa isang mall dalawang linggo na ang nakararaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ni Lovi tungkol dito?

"Well, I don't know, basta yung nangyayari sa amin, I just wanna keep it private."

Inamin din niyang nagkasama nga sila sa isang mall pero ayaw niyang magdetalye tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN