Sunshine Cruz shocked by junked complaints vs Cesar Montano

Alam na raw ni Sunshine Cruz na ibinasura ng Quezon City Prosecutor's Office ang mga reklamo niya laban sa kanyang estranged husband na si Cesar Montano. Nagulat lang siya na ngayon lang ito lumabas sa media.


Hindi na raw ikinagulat ni Sunshine Cruz ang paglabas ng desisyon ng Quezon City Prosecutor's Office na ibasura ang mga reklamo niyang child abuse (R.A 7610) at Anti-Violence Against Women and their Children (R.A. 9262) laban sa kanyang estanged husband na si Cesar Montano.

Si Assistant City Prosecutor Ferdinand Baylon ang lumagda sa resolusyon na nagpapawalang-sala kay Cesar laban sa mga paratang ni Sunshine na inihain niya noong February 2015.

Read: QC Prosecutor's Office junks Sunshine Cruz's complaints against Cesar Montano

Pahayag ni Sunshine, "My lawyer is taking care of it.

"Actually, alam ko na siya two weeks ago, so surprising na ngayon lang lumabas.

"But I knew it."

Ano ang naging reaksiyon niya at ng mga anak nila ni Cesar sa naging desisyon ng QC prosecutor?

Sagot n Sunshine, "Well, of course, it's a shock to us.

"Kasi, we all know na we have all the evidences, di ba?

"Pero it's okay dahil ano naman, nandiyan naman ang lawyer to fix it, and do something."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine sa grand presscon ng bagong primetime series ng ABS-CBN na Dolce Amore, na ginanap sa 9015 Restaurant, sa ELJ Building ng ABS CBN, nitong Miyerkules ng gabi, February 3.

LACK OF PROBABLE CAUSE. Isa raw sa dahilan kung bakit napawalang-bisa ang reklamo ni Sunshine laban kay Cesar ay dahil hindi naipresenta ng aktres ang kanyang mga anak na siyang tumatayong biktima at witness sa insidente.

Pero handa ba ang aktres na iprisinta sana ang mga anak niya upang magsalita laban sa kanilang ama?

Paglilinaw ni Sunshine, "Of course, it's not me who's willing.

"The kids are the ones who are willing.

"But we weren't able to have that chance, e.

"So, it's really shocking and surprising to us."

Sa tingin ba niya ay tama o may mali sa naging desisyon ng Prosecutor's Office?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng Kapamilya actress, "Di ba kasi, kapag child abuse case, it's really impossible to be junked, di ba?

"Parang it's something na dapat ay pina-prioritize, e.

"So, whatever it is, nandiyan naman ang lawyer ko to fix everything."

Hindi pa naman daw tapos ang kaso dahil inapela na nila ang naging desisyon ng QC Prosecutor's Office.

"Yes, for the kids," sabi ni Sunshine.

HOW ARE THE KIDS? Kumusta naman ang kanyang tatlong anak na babae?

Ayon sa 38-year-old actress, "So far, they're okay.

"They are doing well in school, they are happy kids now... honor students sa La Salle.

"Open naman kasi kami to each other, open ako sa kanila, and they know what's happening."

Nagkausap na ba sila ng kanyang estranged husband na si Cesar Montano?

Ayon kay Sunshine, "We don't talk, e.

"It's unfortunate that, up to now, it's been three years since we're separated, but still, we don't talk."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN