Derek Ramsay on Angelica-John Lloyd breakup: "Let's just give them the respect they deserve."

Derek Ramsay firm on his stand not to date someone from showbiz: "I definitely have a stand already in my life. I'm more private at hindi ko yata kaya ang pressure ng showbiz relationship."


Pinaninindigan ni Derek Ramsay na wala siyang alam sa estado ng relasyon nina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz.

Ito ay sa kabila ng naunang pahayag ni Derek na hindi siya naniniwalang hiwalay na ang dalawa nang unang pumutok ang balita tungkol dito.

Ito ay pagkatapos makumpirma na nag-uusap na muli sina Derek at Angelica, ilang taon pagkatapos nilang mag-break.

Read: Derek Ramsay on Angelica Panganiban-John Lloyd Cruz rumored split: 'Hindi totoo 'yan.'

Pero pagkatapos ng ilang araw ay nakumpirma na break na nga sina Angelica at John Lloyd.

Read: John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban called it quits, says source

Kaya nang muling makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pinakahuling presscon ng Love Is Blind si Derek ay tinanong namin siya kung bakit niya nasabi noong intact pa rin ang relasyon ng dalawa.

Paliwanag ng hunky actor, “Wala talaga akong… well, no, I’m not gonna pry into the relationship of Angel and John Lloyd.

“I’m not going to pry into her life. You know, hindi ako ganun klaseng lalaki.

“I don’t know what their stand is, the last time we spoke, akala ko they’re still together.

“I haven’t heard it from her. I haven’t heard it from him. Wala pa akong nakikitang interview nila.

“Hindi ako aamin, wala akong alam.

“Ako, ang belief ko, sila.

“So, let’s just give them the respect they deserve, if ever it’s true.

“Hintayin nating magsalita sila. Kasi, nakakainsulto kapag hindi totoo.”

Nilinaw naman ni Derek ang pagbalik ng komunikasyon nila ni Angelica.

“No, no, we don’t exchange dialogue or through Instagram. Through text talaga.

“Yun nga, binati ako noong birthday ko. Since my birthday siguro, three times.”

GETTING BACK. Tinanong ng PEP si Derek kung may pagkakataon na bang binalikan niya ang dati niyang girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Ex-girlfriend na binalikan ko? Yes, nangyari na ‘yan sa buhay ko. That was in college.”

Sa ngayon, may posibilidad bang balikan ni Derek ang sino man sa ex-girlfriends niya?

Saad ni Derek, “No, I’m very happy.

“I definitely have a stand already in my life.

“I’m more private at hindi ko yata kaya ang pressure ng showbiz relationship.

“Ang longest relationship ko, si Angelica, six years.

“Si Solenn Heussaff, four years. Si Solenn is getting married or married already.

“I don’t see myself going back because right now, I’m looking forward.”

Pero sa kasalukuyan, masaya raw si Derek sa piling ng non-showbiz girlfriend niyang si Joanne Villablanca.

SOLENN HEUSSAFF. Natawa naman si Derek nang tanungin namin kung ano ang sinasabi sa kanya ng ex-girlfriend at leading lady niya sa Love is Blind na si Solenn Heussaff.

Totoo bang hindi pa kasal si Solenn sa Argentinian boyfriend nitong si Nico Bolzico?

“I don’t wanna say! That’s for her!” natawang sagot ni Derek.

“You know, marriage is a big thing.

“Importante ‘yan para sa kanya, so let her divulge all the information and shouldn’t come from anybody else.”

Inamin ni Solenn na dahil ex-boyfriend at first love niya si Derek, nagkaroon daw siya ng hesitation noong una na makatrabaho ang aktor.

Siya rin ba, nagkaroon ng pag-alinlangang gumawa ng proyekto katambal si Solenn?

Sagot ni Derek, “No, no... and you can ask Roselle [Monteverde, producer of Love Is Blind] about this. ‘Okey ka lang ba?’ ‘Sure!’ Ganun agad ang sagot ko.

“The story is interesting, the cast was amazing.

“Sabi ko, ‘Sure, no problem.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN