Richard Gutierrez returns to primetime after three years of absence

Hindi raw kinakabahan si Richard Gutierrez sa muli niyang pagbabalik-primetime via Ang Panday ng TV5. Excited daw ang aktor na siya ang bagong gaganap na Flavio sa klasikong komiks nobela na likha ni Carlo J. Caparas.

 


Pagkatapos ng halos tatlong taon, muling magbabalik sa primetime ang tinaguriang 'Original Fantaserye King' na si Richard Gutierrez.

Ang huling primetime series na pinagbidahan ni Richard ay ang Love And Lies (2013), na huli rin niyang proyekto sa kanyang dating home network na GMA-7.

Matapos nito, nagkaroon ng mahabang break si Richard sa telebisyon upang, ayon sa kanya, personal na asikasuhin ang paglaki ng anak nila ng partner niyang si Sarah Lahbati, si Zion.

Read: Richard Gutierrez is now a 'freelance actor' after expiration of GMA-7 contract

Si Richard ang bida sa bagong TV adaptation ng popular komiks novel ni Carlo J. Caparas na Ang Panday, na mapapanood sa TV5 simula sa February 29.

Isang malaking karangalan daw para kay Richard ang gumanap bilang bagong Panday, lalo na't ang mga gumanap na Panday noon ay lumikha na ng kani-kanilang pangalan sa industriya.

Ang unang nagbigay-buhay sa papel na Panday ay ang yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr., na nakagawa ng apat na Ang Panday movies.

Gumanap din sa iconic role sina Jinggoy Estrada (Hiwaga ng Panday, 1988), Bong Revilla Jr. (Dugo ng Panday, 1993; Ang Panday, 2005; at Ang Panday 2, 2011), at Jericho Rosales (ABS-CBN primetime series Ang Panday, 2005-2006).

Pahayag ni Richard tungkol sa pagganap niya bilang Panday, “Isang malaking karangalan para sa akin ito.

“As Panday, nagki-create ako ng sarili kong character.

“Siyempre, pinanood ko yung mga character before ng Panday, and to make it mine, and to own the project, I have to make my own character.”

Ilan sa mga nagawang fantaserye ni Richard noong nasa Kapuso network pa siya ay ang Mulawin (2004), Sugo (2005), Captain Barbell (2006), Lupin (2007), Kamandag (2007), Zorro (2009), at Captain Barbell: Ang Pagbabalik (2011).

Mas mahirap ba ang naging preparation niya sa Ang Panday kaysa sa mga nauna niyang fantasy shows?

Sagot ng 32-year-old actor, “Preparation-wise… mahirap din naman yung mga preparation ko dati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre now, mahirap din talaga, kasi we’re not getting any younger. It’s kinda harder.

“And siyempre, yung time management ko ngayon, mas pinag-iisipan ko na yung oras ko ngayon.

“Yung mga priorities ko, madami na, so it’s all about time management and sulit naman.”

Sa ngayon ba ay nakakaramdam pa siya ng kaba dahil matagal din siyang nabakante sa paggawa ng teleserye?

Sagot ni Richard, “I’m excited more than kinakabahan.

“I’m excited dahil maganda yung project na ginagawa namin, nakita niyo naman sa trailer.

“So, I’m very, very excited.”

Sa tingin ba niya, siya na ngayon ang Primetime King ng TV5?

Nakangiting sabi ni Richard, “Siguro hindi ako ang dapat tanungin, pero yung viewers na lang siguro ang tanungin natin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media si Richard sa grand presscon ng Ang Panday ngayong Martes, February 9.

NO REGRETS. Sa loob ng tatlong taong wala masyadong ginagawang proyekto si Richard, ano ang mga leksiyong natutunan niya?

Saad niya, “Madami siyempre. Nagkaroon ako ng maraming oras sa pamilya ko. Sa sarili ko.

“Nakita ko yung mga totoong tao sa paligid ko.

“And na-reevaluate ko yung buhay ko, and I needed that. And nakapag-travel ako.

“So, maraming-maraming realizations na nangyari sa akin, and now I’m back and I’m ready.”

May mga pinagsisihan ba siya dahil nag-lie low siya sa showbiz?

Sagot ni Richard, “Malamang, no regrets. Kinakailangan ko talaga yun.”

Samantala, marami naman ang nakapansing malaki na ang ipinayat ni Richard. Ano ang ginawa niya?

“Consistent training lang and hindi ko na na-monitor kung ilang pounds ang na-loss ko, basta every day lang ako nag-continue to work hard sa workout.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN