Bangs Garcia to marry fiancé Lloydi Birchmore in January 2017

Suportado raw si Bangs Garcia ng kanyang fiancé na si lloydi Birchmore sa kanyang karera bilang artista at pintor dito sa Pilipinas. Balak pa raw nilang magtayo ng art cafe pagkatapos nilang maikasal sa susunod na taon. 


Halos sabay ang dalawang proyekto sa telebisyon ngayon ng aktres na si Bangs Garcia.

Bukod sa You’re My Home ng ABS-CBN, kasama rin siya bilang isa sa leading ladies ni Richard Gutierrez sa TV adaptation ng Ang Panday sa TV5.

Wala naman daw problema rito ang kanyang fiancé na si Lloydi Birchmore.

Saad ni Bangs, “I’m just very blessed na sobrang understanding lang nung boyfriend ko.

“He's not selfish. He doesn’t wanna take away what I built here in the Philippines.

“He’s even willing to live here in the Philippines for me...

“He’s a property developer so he wants to build me a house here and in London, so we might wanna go back and forth.”

Bukod sa pag-aartista, suportado rin daw ng kanyang magiging asawa ang balak ni Bangs na pagtatayo ng isang art café.

Paliwanag niya, “Kasi, we wanna have a restaurant… he wanna support me in an art café.

“So, gusto ko magkaroon ng art café, kasi I love cooking and painting.

“So, yung art café ko, dun na rin naka-display yung mga paintings ko at the same time.”

Nitong nakaraang January 2 lamang na-engage si Bangs sa kanyang Filipino-British boyfriend of one year sa Boracay.

Read: Valerie Garcia gets engaged to Filipino-British boyfriend in Boracay

May petsa na ba ang kanilang pagpapakasal?

Tugon ng 28-year-old actress, “January 2017, sa Boracay.”

Bakit sa Boracay ang gusto nilang maging venue ng kanilang kasal?

Sagot ni Bangs, “Kasi dun siya nag-propose at dun kami nagkakilala.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media si Bangs sa grand presscon ng Ang Panday noong Martes, February 9.

WEDDING PREPARATIONS. Ano na ang ginagawa niyang paghahanda para sa kasal nila?

Ayon kay Bangs, “Since it’s Boracay, it’s gonna be a beach wedding.

“Pero he’s gonna be here on March 1, he’s gonna talk to a wedding planner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, wala pa kaming masyadong plans ngayon.

“Hindi ko pa alam kung ilang guests, hindi ko pa sure.

“Pero ang dami nang mga offer ng mga videographers, wedding gowns…”

Engrande ba ang nakatakda nilang pag-iisang dibdib?

“Ayaw ko ng masyadong engrande,” sagot ng actress-painter.

Pero sigurado raw maraming iimbitahin si Bangs dahil marami siyang mga kaibigan at kamag-anak.

“Kailangan ko talagang pag-isipan nang mabuti kasi I really cannot invite everybody.

"Siguro ang pinaka-maximum ko na lang, 250 guests.

“Pero I don’t think na aabot doon, sana mas kaunti.”

Sa ngayon, masaya si Bangs dahil pumunta pa ang mga magulang ni Lloydi sa Pilipinas para personal na kausapin ang mga magulang ng aktres.

Sa huli, sabi ni Bangs, “I’m so happy I’m marrying my best friend.

"Yun kasi ang importante sa relationships, dapat mag-best friend kayo at the same time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN