Angel Locsin hits back at netizen who called Luis Manzano "silahis"

Angel Locsin on netizen who called her boyfriend Luis Manzano 'silahis': "I won't tolerate anyone lambasting him on my page… whether we're together or not."


Hindi nagdalawang-isip si Angel Locsin na ipagtanggol ang boyfriend na si Luis Manzano sa kabila ng isyung may pinagdadaanan ang kanilang relasyon.

Nitong January, inamin ni Luis na hindi pa sila hiwalay ni Angel pero may pinagdadaanan sila.

Read: Luis Manzano confirms relationship with Angel Locsin is on the rocks

Sa Instagram account ng aktres dalawang araw na ang nakalilipas, isang follower (@guillermaperalta) ni Angel ang tumawag kay Luis na "silahis."

Sa mga naunang interview, sinabi ni Luis na hindi na bago ang ganitong paninira sa kanya, kagaya rin sa iba pang aktor na iniisyung bading.

Sinabi pa ng nasabing netizen na ayaw niya ang TV host-actor para kay Angel.

Sumagot naman dito si Angel at tinanong ang netizen at ituro ang nag-aakusang bading Luis.

Ani Angel: “Pakituro po sa akin kung sino nagsabi nang masapok ko ho nang todo.”

Muli namang sumagot dito ang netizen at humingi ng paumanhin sa Kapamilya actress.

Sabi ng netizen, nababasa lang niya ang tungkol sa isyu na kinukuwestiyon ang sekswalidad ni Luis.

Dugtong pa ng comment ng netizen: “Basta ang opinion ko ayaw ko siya [para] sa ‘yo kasi napakabait mo. Idol na idol kita. Pag nasasaktan ka, nayayamot din ako.”

Tinanggap naman ni Angel ang paumanhin ng nasabing netizen, pero pinaalalahanan niya itong huwag magbibitiw ng mga akusasyon kung wala namang basehan.

Pagtatanggol pa ng aktres kay Luis: “I won’t tolerate anyone lambasting him on my page… whether we’re together or not.

“Thank you for understanding po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN