Ate Gay still considers Vice Ganda a friend despite their past issue

Despite his reservation about their friendship, Ate Gay credits Vice Ganda for helping promote the stand-up comedians like him. He says, "Ay, natutuwa ako kasi mas maganda yung may sumisikat na stand-up comedian... Ang daming mga baklang nagkakaroon ng trabaho, iyon."


Ayon sa stand-up comedian na si Ate Gay, nagkaintindihan na sila ni Vice Ganda pagkatapos nilang magkaroon ng isyu noong 2012.

Matatandaang nagkaroon ng isyung gamitan sa pagitan ng dalawa dahil sa pagkakaroon nila noon ng magkaibang major concerts.

Read: Ate Gay denies using Vice Ganda to promote his first major solo concert

Saad ni Ate Gay, “Matagal kaming hindi pa nagkikita… wala, dati yun, di ba, yung sa MOA [Mall of Asia]?

“Yung magdya-judge sana ako sa… hindi ako maka-move on dun, e.

“Sa Showtime, nakausap ko siya mismo dun.

“Sabi niya, may gap sila ni Ai-Ai [delas Alas], sino pipiliin niya, 'Ikaw o si Ai-Ai?'

“Siyempre si Ai-Ai.”

Ang tinutukoy ni Ate Gay ay ang pagiging hurado sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime habang nasa abroad noon si Vice Ganda.

“Oo, nakaplano na ako, hindi ako natuloy; si Ai-Ai ang natuloy.

“Sumama ang loob ko kasi Showtime ‘yan, papalit sa kanya dahil mag-a-abroad siya, may show siya sa abroad.”

Nangyari raw ito noong 2012, “Yung bago ako mag-MOA [concert].”

Nagkita at nagkausap naman na raw sila ni Vice tungkol sa nangyari.

“Kaya dun ko nalaman kung totoo yun, yung isyu, iyon.”

Ano ang sabi sa kanya ni Vice?

“Totoo! Totoong tao naman si Vice at para siyang naiipit sa dalawang bato.

“Na mas uunahin niya yung malaking bato kaya sa maliit na bato.”

Gumaan ba ang loob niya o mas lalong sumama ang loob niya nang malaman niya ito?

“Gumaan ang loob ko dahil mismong sa bibig niya nanggaling.”

REAL FRIENDS? Nalamatan ba ang friendship nila ni Vice Ganda?

Sagot ni Ate Gay, “Hindi nga raw niya ako friend, di ba, sabi ng mga reporters.

“Kasi malalim ang… naiintindihan ko naman siya, malalim ang pagkakaibigan sa pakahulugan niya.

“Sabi daw, ang pakikipagkaibigan e may mga pinagsamahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Totoo naman, wala kaming pinagsamahan ni Vice kasi nagkakasama lang kami sa work.

“Iyon ang tinatawag na friendship.

“Pero ako, sa nararamdaman ko, kaibigan ko siya.

“Kasi kasa-kasama ko siya sa Punchline, Laffline before.

“Tapos nagpupunta pa ako sa bahay niya, iyon yun.”

Wala silang closure?

“Wala pero pag nagkikita kami, siguro okay lang.”

Pero wala na raw iyon kay Ate Gay.

“Tsaka natutuwa ako sa kanya nakakarating siya sa… naka-focus kasi siya.

“Yung focus niya ang ganda. Yung focus namin, ang tagal!” natawang sabi niya.

Binanggit namin na ang nagdadala talaga ng bandera ngayon ng stand-up comedians ay si Vice Ganda.

Reaksiyon ni Ate Gay, “Ay, natutuwa ako kasi mas maganda yung may sumisikat na stand-up comedian, napo-promote nila yung mga comedy bars.

“Ang daming mga baklang nagkakaroon ng trabaho, iyon.”

Ikinatutuwa raw ni Ate Gay kapag tinatao nang husto kahit ibang comedy bars.

“Oo nga, sabi ko nga kapag nagpo-promote ako, hindi lang Klownz at Zirkoh ang sinasabi ko.

“Sinasabi ko, 'Kung gusto niyong mag-enjoy, pumunta kayo sa mga comedy bars na malapit sa inyo,' ganun.”

Samantala, pagkatapos ng solo concert niya sa SM Mall of Asia Arena noong December 2012, sa Araneta Coliseum naman ngayon sasabak si Ate Gay via the concert Panahon Ng May Tama.

Pero ngayon ay hindi siya solo dahil kasama niya sina Gladys “Chuchay” Guevarra, Boobsie Wonderland, at Papa Jack sa concert na gaganapin sa Sabado, February 13.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN