FIRST READ ON PEP. Martin del Rosario admits viral nude photo scandal: "Oo, ako 'yan."

Inamin ni Martin del Rosario sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na siya nga ang lalaking nasa nude photo na kumalat nitong linggo lamang. Pero hindi na raw niya maalala kung kailan ito nangyari at kung saan ito kinunan.


Muli na namang nasangkot sa isang nude photo scandal ang aktor na si Martin del Rosario.

Nitong nakaraang Lunes, February 8, may kumalat na larawan ng isang lalaking nakasuot ng sando ngunit walang suot na pang-ibaba o underwear kaya kita ang pagkalalaki nito.

Base sa hitsura ng lalaking nasa larawan, naniniwala ang mga nakakita nito na ito ay walang iba kundi si Martin.

Ngunit may ilan ding nagsasabing baka na-Photoshop o na-edit lang ito.

Noong Martes, February 9, nagpadala ng text message ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Martin upang tanungin kung aware ba siya sa kumakalat na namang nude photo diumano niya,

Wala kaming nakuhang sagot mula sa kanya.

THE PHOTO. Kagabi, February 10, natiyempuhan ng PEP ang 23-year-old Buena Familia actor sa GMA Thanksgiving Party na ginanap sa Shangri-La Hotel, Makati City.

Dito ay direkta naming tinanong si Martin tungkol sa kumakalat na larawan diumano niya.

Hiningi muna namin ang pahintulot niya kung puwede ba naming pag-usapan ang tungkol sa viral nude photo.

Ipinakita rin namin sa kanya ang nasabing larawan na naipadala sa aming tanggapan.

Saad ni Martin, “Well, mukha ko ‘yan... sando ko ‘yan, alam ko.

“Una, hindi ko alam kung sino yung kumuha or hindi ko maalala yung moment na ‘yan.

“Hindi ko alam kong sino yung mga kasama ko nung kinuha ‘yan. Hindi ko alam kung totoo tuloy.

“Ibig sabihin, pinagdudahan ko yung picture mismo.”

Dagdag niya, “Pero kita ko yung sarili ko, e.

“Pero may nakita akong mga blur-blur, pero hindi ko na tuloy sure, since hindi ko matandaan yung moment na ‘yan. Kung edited ba siya or ano.”

Inusisa ulit namin siya tungkol sa kabuuan ng larawan.

Aniya, “Kung ako man ‘yan, siguro hindi ako naging maingat, e. Hindi ko rin naman alam na nakunan ako.

“Siguro normal lang naman na… wala naman akong ginagawa diyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro naglalakad lang ako na talagang walang ano [brief], tapos nakunan ako.

“Tapos, I learned my lesson, dapat mag-ingat ako next time.”

GIFTED MARTIN? Base sa kumalat na larawan, sinasabi ng mga nakakita nito na "gifted" si Martin.

Natawang reaksiyon ng aktor tungkol dito, “Depende sa mga taong makakakita diyan!

“E, ganun talaga. Ako, na-disappoint ako kasi nag-iingat naman talaga ako.

“Siguro nagkulang lang siguro ako sa pag-iingat that time.

“Matagal na siguro ‘yan.

“Hindi ko naman kinunan yung sarili ko. Parang aksidente na may kumuha.

“At hindi ko rin maalala kung sino yung kumuha, kung saan yung lugar, so yun.

“At least ngayon, natuto na ako.”

So, siya ba talaga yung nasa larawan? Kinukumpirma ba niyang siya ang lalaking naka-sando at walang suot na pang-ibaba?

Nakangiting sagot ni Martin, “Ako ‘yan, e! Kita ko.

“Kaso lang, medyo nagtataka ako, kasi parang may mali-mali, so hindi ko alam kung anong ginawa ko.”

Ulit niya, “Pero ako ‘yan. Oo, ako ‘yan.”

Hindi kaya ito makaapekto sa kanyang career?

Sabi ni Martin, “Hindi. Hindi naman. Siguro dapat mag-ingat na lang next time.”

Mensahe pa niya sa mga nakakita ng larawan niya: “Move on na. Nakita niyo na, e, okay. Okay lang.”

Sa nagpakalat naman ng larawan niya, pahayag ng aktor: “Hindi ko alam kung ano yung motibo, pero siguro nakikisabay dun sa series ng mga scandals na lumalabas.

“Pero sana kung alam naman niyang wala namang mapapala… hindi ko alam, hindi ko kilala kung sino siya, e, so bahala na siya, at least masaya na siya.”

June 2015 nang lumabas ang isa pang diumano’y nude photo scandal ni Martin ngunit pinabulaanan niyang siya ang lalaking nasa larawan.

Read: Martin del Rosario strongly denies alleged viral nude photo

Sa kabilang banda, masaya si Martin sa takbo ng kanyang career lalo na't extended muli hanggang March ang Buena Familia. May gagawin din daw siyang indie film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN