Ricky Reyes employee with HIV recalls how he suffered discrimination at work

Renato Nocos on filing labor complaint vs. Ricky Reyes and business partner: "Binabawasan ako pero hindi hinuhulog [ng employer]... Nung nalaman niya na may HIV ako, sinabi ko sa kanya. Dahil hindi niya binayaran yung PhilHealth ko."

 

 


Kinatigan ng National Labor Relations Commission (NLRC) ang hairstylist na si Renato Nocos, na naghain ng reklamong paglabag sa labor code laban sa beauty expert na si Ricky Reyes at sa kasosyo nitong si Tonette Moreno.

Noong nakaraang linggo, lumabas ang resolusyon ng NLRC na nag-uutos sa employer ni Nocos na ibalik ang huli sa trabaho sa Ricky Superstyle Color Salon.

Inutos din ng NLRC na magbayad ang naturang kumpanya kay Nocos ng halagang P615,313 para sa back pay, benefits, mandatory 13th month pay, emergency cost of living allowances, separation pay, at lawyer’s fee ng complainant.

Read: Ricky Reyes ordered to pay 600K to former employee with HIV in discrimination case

Kabilang sa inireklamo ni Nocos laban sa dating employer niyang si Reyes ay ang discrimination, unlawful termination, non-payment of lawful wages and benefits.

Noong 2014, pinatalsik umano sa trabaho si Nocos matapos niyang ipaalam sa kanyang employer sa Ricky Superstyle Color Salon na siya ay na-diagnose na positibo sa human immunodeficiency virus (HIV).

Ayon pa kay Nocos, nalaman niyang siya ay HIV-positive noong panahong siya ay naka-sick leave at nagpapagaling sa sakit na tuberculosis.

“Pinapahinga niya ako ng six months.

“Tapos, sabi niya, sapat na yung six months na pinasahod ako nang libre,” lahad ni Nocos, base sa ulat ng dZMM na nailathala sa ABS-CBN News Online ngayong araw, February 12.

Inalmahan ito ni Nocos lalo pa’t napag-alaman niyang hindi nire-remit ng kanyang employer ang kinakaltas na Social Security System (SSS), PhilHealth, at Pag-ibig mula sa kanyang suweldo.

Ito ay sa kabila ng kaalamang empleyado siya sa naturang salon mula 2003.

Sabi ni Nocos, “Binabawasan ako pero hindi hinuhulog...

“Nung nalaman niya na may HIV ako, sinabi ko sa kanya.

“Dahil hindi niya binayaran yung PhilHealth ko.

“Importante sa amin yun sa ganitong sakit na may PhilHealth ka para makapasok ka sa OHAT [Outpatient HIV/AIDS Treatment] package.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung walang ganun, magbabayad ka ng laboratory at gamot-gamot.”

Lahad pa ng complainant, ilang beses siyang nagpabalik-balik sa pinapasukan niyang salon upang hilingin na bayaran ang karampatang coverage ng kanyang PhilHealth, ngunit tumanggi raw ang kanyang employer.

Sa ngayon, hindi pa nakukuha ni Nocos ang kabayarang hinihingi niya mula sa salon na pagmamay-ari ni Reyes.

Sa kabilang banda, minsan nang pinabulaanan ng kampo ni Reyes ang reklamong discrimination at unlawful termination na isinampa ni Nocos laban sa kanya.

Sa isang official statement noong July 2015, inihayag ng kampo ni Reyes na kabilang si Nocos sa mga empleyadong apektado ng pagsasara ng isang branch ng nabanggit na salon. 

Read: Ricky Reyes denies firing employee due to HIV

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ni Ricky Reyes kaugnay ng kinahaharap nitong reklamo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN