Drew Arellano hopes to have a baby 'made in New Zealand'

Umaasa si Drew Arellano na makakabuo na sila ng baby ng misis niyang si Iya Villania ngayong magbabakasyon sila sa New Zealand sa loob ng dalawang linggo.


Gustung-gusto na rin ni Drew Arellano na magkaanak na sila ng asawang si Iya Villania.

Sabi ng Kapuso TV host, “Excited nga kami this year because we’re leaving tonight. We’re flying to New Zealand, hopefully ano... maka-ano [buo].”

Nitong nakaraang Martes, February 9, sinabi ni Iya sa hiwalay na panayam na ipa-prioritize nila ni Drew ang kanilang tinaguriang #Project2016—ang magkaanak.

Read: Iya Villania excited for '#Project2016' with hubby Drew Arellano

Kahit daw pareho silang busy sa kanilang mga karera, binibigyang pansin daw talaga nila ang pagsasama nila bilang mag-asawa.

Pahayag ni Drew, “Magiging busy sa isa’t isa.

“Iya and I, you know, we have the same wavelength.

“The relationship is a priority. Work is secondary.

“It’s always been like that. Lalo na ngayon, lalo na we’re really targeting to have a baby this year, so talagang ang focal point talaga namin is to [have a baby].”

Sa tanong kung anong gender ang gusto niya bilang panganay na anak, sagot ni Drew, “Kahit ano.”

Bago magtungo ng New Zealand, mamamalagi muna sila sa Australia sa loob ng limang araw upang bisitahin ang mga kamag-anak ni Iya doon.

Bukod sa kanilang plano na makabuo ng baby sa New Zealand, sasali rin sa isang triathlon competition doon si Drew.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Drew sa pocket presscon nito para sa kanyang show na AHA!, ngayong Biyernes, February 12, sa 17th floor ng GMA Network Center, sa Timog Avenue, Quezon City.

SIGN LANGUAGE ON AHA! Sa ika-anim na taon ng kanilang programang AHA!, may bago raw silang io-offer sa mga manonood.

Ito ay ang pag-i-incorporate ng sign language sa lahat ng kanilang segments.

Saad ni Drew, “Sa pagbabago ng direksiyon ng show, we're gonna insert a little bit of advocacy starting this Sunday [February 14].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’re gonna be inserting some sign language.

“Hindi naman siya parang nakikita natin sa… alam mo namang lumaki tayo sa Kapwa Mo, Mahal Ko na may bilog na may nagsa-sign language.

“What we’re gonna do is not the same, ang gagawin namin ay hindi hardcore.

“Kasi ang audience pa rin namin ay mga bata. Gusto naming mag-i-insert lang kami ng one word using or incorporating sign language per segment. One word lang.”

Sa bawat episode daw nila ay baka apat o limang sign languages ang maituturo nila sa kanilang viewers.

Dagdag pa ni Drew, “We’re trying to lessen the gap [between the hearing impaired] sa pamamagitan ng sign language.

"We’re trying to bridge that gap.”

Mapapanood ang AHA! tuwing Linggo, 8:15 ng umaga, sa GMA.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN