Ahron Villena on real score with Kakai Bautista: "Siguro nasa next level na."

Ahron Villena on real score with Always Be My Maybe co-star Kakai Bautista: "I can say na ngayon po kasi yung status namin ni Kakai talagang siguro nasa next level na. Pero wala pa din po kaming ano [label] kumbaga parang maybe, maybe, 'di ba? For now, we're just enjoying our company and masaya po."


Matagal nang usap-usapan kung ano nga ba ang tunay na namamagitan sa tinaguriang "Dental Diva" na si Kakai Bautista at sa Kapamilya hunk actor na si Ahron Villena.

Sa Instagram pa lang ng dalawa, sunud-sunod ang post nila ng mga litratong magkasama sila hanggang sa nabuo na nga ang tinawag na "AhKai" love team na hango sa kanilang mga pangalan.

Happy� #ahkai

A photo posted by Catherine Bautista (@ilovekaye) on

Una nang nilinaw ito ni Kakai sa kanyang panayam kay Boy Abunda para sa Aquino and Abunda Tonight noong September 2015, at sinabing “hindi pa” sila.

Read: Are Kakai Bautista and Ahron Villena dating?

Ilang buwan matapos nito ay naging magkatrabaho naman ang dalawa sa pelikulang Always Be My Maybe na pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Arci Munoz.

Sa grand press conference ng pelikula nitong gabi ng Biyernes, February 12, muling inusisa ng press kung ano na ang real score sa pagitan nilang dalawa.

Unang nagbigay ng pahayag si Kakai ngunit hindi nito direktang sinagot ang tanong kung ano na ba ang relasyon nila ni Ahron.

Sabi ni Kakai, “Ang masasabi ko, parang may nabasa akong quote nung isang araw na pag yung isang tao pinapasaya ka at pinapalungkot ka at the same time, puwedeng maging totoo yun.

“Kasi ibig sabihin, worth it yung taong yun kasi yung emotions na binibigay niya sa ‘yo yun na yun.”

Kaugnay ng tema ng kanilang pelikula, tinanong din si Kakai kung siya ba ay “pa-fall” o “pa-victim.”

Pa-fall ang tawag sa mga taong umiibig at inibig, habang pa-victim naman ang tawag sa mga taong umasa, umibig, at niloko ng inibig.

Agad-agad niyang sinagot ito at sinabing, “Ay, pa-victim! Maraming beses na! Dyusko, hindi na nga natutu-tuto!

“Pero naniniwala ako na matututo din ako with the right person.

“Kung nasa’n man siya, aba, bilis-bilisan mo naman, anong petsa na?”

Sunod namang nabigyan ng pagkakataong sumagot si Ahron at nilinaw nitong matagal na silang close ni Kakai. Bago pa sumali ang singer-comedienne sa Your Face Sounds Familiar Season 2 noong nakaraang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Ahron, “Actually, matagal na po talaga kami naging close ni Kakai.

“Wala pa po siya sa Your Face Sounds Familiar, naging close na po kami ni Ms. Bautista nung kami’y nag-show sa Japan. Dun po nag-start ‘yan.”

Dagdag pang paliwanag nito, “Kinuwento ko lang para at least alam nila kung paano po nag-start talaga.

“Kasi siyempre, naakusahan din po ako na pa-fall or ganyan, so mahirap din naman.”

Sa huli, nilinaw na ni Ahron ang real score sa pagitan nila ni Kakai.

Aniya, “I can say na ngayon po kasi yung status namin ni Kakai, talagang siguro nasa next level na.

“Pero wala pa din po kaming ano [label]. Kumbaga, parang maybe, maybe, ‘di ba?

“For now, we’re just enjoying our company and masaya po.

“Tama si Kakai, tulad ng sabi niya—masaya, minsan malungkot, minsan magseselos siya. Hindi, joke!

“Basta sa ngayon po, masaya po kami at most of the time po magkasama po kami sa work, sa mga out-of-town shows namin, out of the country, so talagang hindi po maiiwasan na talagang maging close kami ng Dental Diva na si Ms. Bautista.”

VALENTINE'S DAY. Tinanong na rin ng press kung anong balak ng dalawa sa parating na Valentine's Day ngayong Linggo. Unang sumagot si Ahron at sinabing magkasama talaga sila ni Kakai.

“Magkasama po talaga kami ni Kakai sa Feb. 14 kasi may trabaho po kami sa Abra. May show po kami doon.

Kinilig naman ang lahat ng nasa press conference nang tanungin si Ahron kung anong plano nito pagkatapos ng show sa Abra.

“Ano po, show, tapos date, lahat-lahat doon na. Tapos baka mag-La Union na rin po kami, ganun.”

Bakas sa mukha ni Kakai na hindi nito inasahan ang sagot ni Ahron kaya naman idinaan na lang nito ang sagot sa biro at sinabing, “Hindi ko alam kung ano… huwag mo naman ako masyado biglain, a!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para makapag-ready naman ako, makapagdala ako ng nighties!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN