Senator Tito Sotto namedrops Eat Bulaga!, AlDub in political campaign

Senator Tito Sotto's promise to Pangasinan voters in exchange of landslide win for Team Galing at Puso: "Pero ito suhol talaga. Dito kami magso-show... Isasama ko yung dalawa. Sinong dalawa? Si Vic, si Joey, at saka si Alden saka si Yaya Dub."


Nangako si Senator Vicente “Tito” Sotto III na dadalhin niya ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza o Yaya Dub (AlDub) sa San Carlos City, Pangasinan.

Ito ay sakaling manalo umano ang lahat ng pambato ng partido nina Senator Grace Poe at Senator Francis “Chiz” Escudero sa 2016 elections.

Bagamat parehong independent candidates, nagsanib-puwersa sina Poe at Escudero sa ilalim ng tinaguriang Team Galing at Puso (GP, which is also the acronyms of Grace Poe), kung saan kabilang sa senatorial lineup ang reelectionist na si Sotto.

Read: Grace Poe, Chiz Escudero announce senatorial bets under 'Team Galing at Puso'

Pahayag ni Sotto sa ginanap na political rally sa Department of Education Central 2, “Ito, puwede niyong sabihin na suhol. Pero ito suhol talaga.

“Kapag si Grace at si Chiz nanalo dito sa San Carlos City at ang buong slate ng GP, itong lahat ng slate, kasama mga mayor namin at mga konsehal, dadalhin namin dito ang Eat Bulaga.”

Base ito sa ulat ng Philippine Daily Inquirer na lumabas noong Biyernes, February 12.

Sabi pa ni Sotto, “Dito kami magso-show. Isasama ko yung dalawa.

“Sinong dalawa? Si Vic, si Joey, at saka si Alden saka si Yaya Dub.”

NAME DROPPING ALDUB? Tila taliwas ito sa naunang pahayag ni Sotto na pinagbawalan ng pamunuan ng Eat Bulaga! sina Alden at Maine na mag-endorso ng sinumang kandidato sa 2016 elections.

Mismong si Sotto pa ang nagsabing hindi niya gagamitin ang AlDub sa kanyang senatorial campaign.

Sabi ng TV host-politician sa isang panayam noong Setyembre, “I am setting the example so that politicians will know we mean it.

“And we do not want our Dabarkads to be politicized.”

Read: Senator Tito Sotto reveals Alden Richards and Maine Mendoza not allowed to endorse candidates in 2016 elections

Isa si Sotto sa main hosts ng Eat Bulaga, kung saan sumikat ang tambalang AlDub.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SENATORIAL POLL. Sa nationwide poll ng Pulse Asia, na isinagawa mula January 24 hanggang January 28, nangunguna pa rin si Sotto sa preferred senatoriables ng may 1,800 na respondents.

Nakakuha siya ng 68.8 percent share of votes na may ranking na "1-2." 

Ngunit humahabol din sa ranking na "1-3" si dating food czar Francis "Kiko" Pangilinan na mayroong 65.6 percent share of votes.

Ang nabanggit na nationwide survey ay mayroong margin of error na ±2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN