Marian Rivera tells Maine Mendoza to just enjoy her popularity

Ayon sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, naging masaya ang kuwentuhan nila ng Dubsmash Queen na si Maine Mendoza sa una nilang pagkikita noong nakaraang linggo. Pinayuhan pa nga raw niya ang kalahati ng AlDub loveteam na i-enjoy lang ang tinatamo nitong kasikatan.


Ilang araw pagkatapos ng una nilang pagkikita sa GMA Thanksgiving Party para sa advertisers noong February 10, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press kay Marian Rivera kung ano ang masasabi niya tungkol kay Maine Mendoza.

Read: Marian Rivera and Maine Mendoza meet for the first time

Kuwento ng Kapuso Primetime Queen tungkol sa Dubsmash Queen, “Nakakatuwa kasi… well, dumating ako wala na siya, e… bumalik siya, ‘no?

“So, bumalik siya, ayun, bulungan kami nang bulungan, ang dami naming pinag-usapan.”

Bukod sa naging sentro sila ng atraksiyon noong gabing iyon, pinagkaguluhan din sila ng mga taong dumalo sa naturang pagtitipon.

Obserbasyon ni Marian, hindi pa talaga sanay si Maine sa atensiyong nakukuha nito.

“Nakakatuwa, kasi hindi naman masyadong sanay si Maine sa mga tao, so siguro na-shock siya.

“Sabi ko lang sa kanya, ‘Okay lang ‘yan, i-enjoy mo lang.’ Ganyan ang buhay, e, enjoy lang.”

Nakausap ng media si Marian sa presscon na inihanda ng GMA Network para sa kanyang grand TV comeback matapos niyang manganak sa panganay nilang anak ni Dingdong Dantes na si Maria Letizia.

Ginanap ang presscon ni Marian ngayong Martes ng tanghali, February 16, sa 17th floor ng GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City.

Bukod sa pagbabalik niya sa Sunday PinaSaya sa darating na Linggo, February 21, nakatakda ring gumawa ng talk show si Marian.

Siya rin ang napiling gumanap sa papel na Ynang Reyna sa remake ng Encantadia. Una itong ginampanan ni Dawn Zulueta.

MAINE, THE NEXT MARIAN? Dahil sa pagsikat nang todo ni Maine, marami ang nagsasabi na siya na ang susunod sa mga yapak ni Marian.

Ano ang masasabi ni Marian tungkol dito?

Saad ng GMA Primetime Queen, “Naku, mahirap ‘yan!

“Alam mo, siyempre iba-iba ‘yan, e.

“Bawat isang artista, may fans ‘yan, may supporters ‘yan.

“Siyempre depende sa pagtingin.

“Ako, ang lagi kong punto sa buhay, kung sino man ang susunod o mas dumaig o mas umano… ang importante, nandiyan yung ano ba ang naidudulot ng mga artista sa mga tao?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, good vibes lang.

“Maging masaya tayo kung maraming achievements yung isa, maging masaya tayo sa kanya.

“Kung hindi man, e, di work, work hard para ma-achieve nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN