John Lloyd Cruz speaks up on alleged relationship with Bea Alonzo

John Lloyd Cruz finally breaks his silence and clarifies once and for all his alleged relationship with onscreen partner Bea Alonzo.


Itinanggi ni John Lloyd Cruz ang balitang magkarelasyon na sila ng kanyang onscreen partner na si Bea Alonzo.

“Hindi po, magkaibigan po kami,” sagot ng Kapamilya actor nang tanungin kung sila na nga ba ni Bea, sa ulat ng "Star Patrol" sa ABS-CBN news program na TV Patrol, nitong Martes, February 16.

Muli siyang tinanong kung may relasyon sila ni Bea.

“Wala po,” diin ni John Lloyd.

Nagkaroon ng usap-usapang may namamagitan na sa onscreen love team nang makita umano silang magkasama sa isang island beach, na mas lalong tumindi nang mapabalitang naghiwalay na sina John Lloyd at Angelica Panganiban.

Isang source naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nagkumpirma na break na nga sina John Lloyd at Angelica.

Read: John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban called it quits, says source

Lalo pang tumindi ang hinala ng iba na may katotohanan ito nang kumpirmahin ni Zanjoe Marudo sa Tonight With Boy Abunda nitong January na break na sila ni Bea.

Read: Zanjoe Marudo confirms breakup with long-time girlfriend Bea Alonzo

JOHN LLOYD AT THE MOVIES. Samantala, abala ngayon si John Lloyd sa pagsu-shoot ng pelikula kasama si Jennylyn Mercado.

Pahayag ng aktor, “I've been wanting to do a movie with Jennylyn.

“Dapat noon meron kaming isang gagawin, pero hindi natuloy.

“Yun pala, eto yung kapalit, so I'm very happy.

“Nakailang eksena pa lang kami, pero sa nakikita ko, I'm very excited to experience her talent.”

Lumipad din nitong weekend si John Lloyd, kasama si Piolo Pascual, para sa pelikula nilang Hele sa Hiwaga ng Hapis na kasali sa Berlin Film Festival at idinirek ni Lav Diaz.

“Sobrang excited kasi for the first time, especially para kay Lav Diaz first time pumasok ng kanyang pelikula.

“Napakalaking bagay nito sa film industry natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN